CHAPTER 50

38 3 0
                                    

JIMIN'S POV

"Anong oras ang libing niya bukas?" tanong ni Fayre matapos ang mahabang katahimikan.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakitang nakayuko siya sa pagkaing hindi niya pala ginagalaw.

Wala akong mababasang emosyon sa kanya dahil blanko ito.

"10 am I guess" sagot ni Namjoon.

Nang aktong lilingon si Fayre sakin ay umiwas na ko ng tingin at nagpatuloy sa kinakain.

"Pupunta ako"

Lahat kami napatingin sa kanya ng sabihin niya yun.

"Fayre" tawag ko,mabilis naman siyang lumingon sakin." Alam mong pinagbawalan ka ni Jin na lumabas."

"Alam ko" nakayukong sagot niya. "Pero naguguilty ako"

"Fayre" usal ko.

"Baka delikado?" tanong ni Namjoon. "Wag ka nalang siguro pumunta,"

Umiling-iling siya. "Pupunta ako" pagmamatigas niya.

"I'll come with you" presenta ni Namjoon.

"Ok" nakangiting sagot lang niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Hadraniel at bumuntong-hininga. Binilinan kami ni Jinmichael na bantayan si Fayre, at sa oras na may masamang mangyari sa kanya ay kami ang malalagot.

"Sasamahan kita" mahinang sabi ko. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Raziel?" pagtataka ni Hadraniel. "Alam mong--

" Hindi ka aalis dito sa bahay Hadraniel alam mong delikado para sayo" liningon ko si Fayre " Ako nalang ang sasama sayo....sasamahan ko kayo"

"S-Salamat"

"Namjooniel?? Hmm what do you think? Raziel" turo niya sakin. "Hadraniel" turo niya kay Hadraniel. "Namjooniel" turo niya sa sarili nito.

Napalingon kaming tatlo kay Namjoon na kasalukuyang natatawa sa iniisip.

"Adik ka ba?" kunot-noong tanong ni Fayre sa kanya.

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit nga? Joke ba yan?"

"Tsk!" singhal ni Fayre, napipikon.

"Bakit nga?" interesanteng tumingin si Namjoon sa kanya.

"Kinaklaro ko dahil mukhang may tama ka"

"W-What?!"

"You're talking to yourself" pabulong ni Fayre pero rinig namin.

"I was just joking ok" sumuko si Namjoon. "May  'niel  kase yung pangalan nila. Maglalagay din ako ng niel".

"Then its not funny" inis na sabi ni Fayre.

"Are you ok Fayre? Bat bumabalik ang sapi mo?" natatawang tanong ni Namjoon.

Nanlaki ang mata ni Fayre." Anong sapi?!"

"Namjoon" pigil ni Hadraniel kay Namjoon.

"Sorry bro" natatawa parin si Namjoon.

Nakitang kong nainis si Fayre sa sinabi niya pero unti-unti ding bumabalik sa pagiging blanko.

Ano kayang iniisip nito?

Tumayo ako para kunin ang mga platong wala ng laman,pero wala padin siyang ginagalaw maski isa sa harapan nito.

"Kumain kana" seryosong sabi ko. Natigilan siyang napatingin sakin tsaka tumango.

Pumunta ako sa kusina at hinugasan ang mga yun.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon