CHAPTER 11

56 6 1
                                    

FAYRE'S POV

Tahimik lang ang dalawa hanggang sa tumigil ako sa tapat ng bahay.

"Alam niyo naman siguro kung pano buksan ang---

Hindi ko na natapos kase,ora mismo bigla silang nawala sa backseat at nasa labas na ng kotse....pambihira.

Binuksan ko nalang ang pinto ng driver's seat at lumabas, tumingin ako sa kanila. Ang gagwapo......biro lang.

" Pumasok na kayo sa loob," walang gana kong sabi.

"Hey!"

Nabaling ang tingin ko sa sumigaw..hay siya na naman.

"Hey! You!" sigaw ko.

Tumingin siya ng diretso sakin na nakangiti.

"Kamusta? Teka saan ka galing?" tanong niya.

"Halata ba,malamang sa trabaho" inis na sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya..don't tell me,..may nakikita siya maliban sakin?

"Woah! May trabaho ka??"

Hay,akala ko pa naman may nakikita siya.

"Halata naman siguro noh" sagot ko.

Pagod ako eh,kakapagod magdaldalan.

"Kahit kailan ang sarap mong kausap" halatang naiinis na.

"Salamat" sarkastikong ngiti ko.

"Tsk!....may kasama ka? Para kaseng may kausap ka na naman,.. I remember about what happened last night nung--

" tsk,.pwede ba mamaya ka nalang magdaldal,pagod ako" mahinahon kong sabi.

Ayaw ko lang I open niya ulit yung nangyari dahil panigurado nagmumukha akong baliw sa kanya at isa pa ayaw ko siyang kausap.

"Eh...ok." naisagot nalang niya.

"Thank you" ngiti ko at binuksan ang gate.

Pero teka..thank you?? Sinabi ko yun?? Bat naman ako nag thank you? Tsk! Kainis! Ay basta...para matahimik na yun kaya ako nag thank you. Nakita ko ang reaksyon niya,mukhang nagulat din.

"Marunong ka palang ngumiti"

Natauhan ako,.may kasama pala ako,.anak ng. Nilingon ko ang dalawa,.si Jimin...oo si Jimin!

"Anong ibig sabihin mo Jimin?!" Inis na sagot ko.

Lumingon pa siya kay Hoseok at tinuro sarili niya.

"S-Siya o a-ako??" naguguluhang tanong niya.

"Ikaw malamang! Jimin nga diba?! Alangan namang si Hoseok ka,eh diba siya si Hoseok!" sigaw ko.

"Ahh hehe" naisagot lang niya.

"Jimin...ako si Jimin....at...ikaw si Hoseok" sabay turo pa niya sa kanilang dalawa.

Kunti nalang,mababaliw na talaga ako.

"Pwede ba itago niyo yang pakpak niyo,.nakakairitang tingnan!" sabi ko habang nagmamadaling pumunta sa sala.

"Hindi natatago ang pakpak namin" sagot ni Hoseok.

"Whaaaat eveeer" mahabang sagot ko.

Umupo agad ako sa sala at dali dali namang pumunta sa pwesto ko si Shanks.

"Kamusta Shanks,.. Gutom ka na ba?"

Hinahaplos ko pa si Shanks habang ang mga mata ko ay nasa dalawa.

"Bat kayo nakatayo? Di ba kayo napapagod kakatayo?!" sita ko pa sa kanila.

Nakakatawa silang panoorin habang nag aalinlangang umupo sa kabilang sofa. Tsk!

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon