CHAPTER 48

44 2 0
                                    

SUGA'S POV

Hindi ko maintindihan ang paraan ng pagtingin ng anghel na'to ngayon sakin....masyadong seryoso tsh!

"Kung mabigat sa loob mong ihatid ako wag na siguro,mag-iingat naman ako" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa motor kong nakaparada sa di kalayuan.

Umiling-iling siya habang nakatingin ng diretso sa kalsada. "Mag-aalala si Fayre sayo pag ginawa ko yun.

So napipilitan nga siya? Psh!

Ngumisi nalang ako. "Hmm ok"

Isinuot ko agad ang helmet ko ng makatayo ako sa mismong harapan ng motor ko. Tinignan ko pa sa side mirror ang anghel na nasa likuran ko,mukhang malalim ang iniisip at nakakunot ang noo. Natatawa akong umiling-iling.

"Sasakay na ako,sasakay ka ba?" pabiro kong tanong nakatingin padin ako sa side mirror ng motor,nakita ko pang mas sumama pa ang mukha nito,tsk tsk.

"Wag na,..sumakay ka na,babantayan kita" aniya pa. Tumango lang ako.

Oo nga naman Yoongi,bat mo ipapasakay ang anghel sa motor mo kung nakakalipad naman ito? Tsk babo.

Pinainit ko pa ang makina habang paulit-ulit na pinapatunog ito kaya naman naglalabas ito ng makapal na usok.

"Nasa likod mo lang ako" huling sabi niya bago siya nawala,.hindi naman siya nawala talaga dahil nararamdaman ko ang presensiya niya kahit di ko siya nakikita.

Mabilis kong pinaandar ang motor at ng makalabas na 'ko sa village na yun ay swabe naman akong nag-oovertake sa mga malalaking sasakyan sa kalsada

"Nandiyan ka pa ba?" tanong ko.

"Oo" sagot niya.

Masyadong traffic sa kalsadang papunta sa lugar namin kaya napahinto lahat ng sasakyan.

"Naririnig mo pala ako?" tanong niya. Kahanga-hanga dahil kahit di ko siya makita, nararamdaman ko at naririnig ko siya. Ito na nga siguro ang sinasabi ni lolo sakin parati na kakaiba kami sa mga tao dahil may abilidad kaming wala sa iba.

"Oo at nararamdaman din kita" sabi ko na may pagmamayabang sa boses.

"Tao ka ba?" tanong niya at natawa naman ako.

"Oo naman ano ba ko sa tingin mo?" lumingon ako gilid kahit di ko naman siya nakita

"Tao nga" parang tangang sagot niya. Gusto ko namang matawa.

"Magkatrabaho kayo ni Fayre?" tanong niya.

"Oo"

"Bat mo siya inihatid pauwi?"

"Dahil kailangan"

"Anong kailangan? Kailangan ba talaga o gusto mo?"

Natatawa akong umiling-iling. Mabuti nalang at nakahelmet ako kaya di niya makitang natatawa talaga ako.

"May nangyaring masama sa tinatrabahuan namin, pinapauwi kami agad." sagot ko.

Gustuhin ko mang idetalye lahat pero ayokong sabihin sa anghel na to ang totoong nangyari,. hindi ko to kilala at masyado akong walang tiwala sa tulad nila. Kung may tiwala man si Fayre sa kanya ay magkukusang magsalita yun.

"Anong nangyari?"

"Sa kanya ka nalang magtanong,nakikitang nagdadrive ako tsh! "

"Sorry"

Ilang saglit lang ay medyo maayos na ang daloy ng traffic sa kalsada kaya maayos akong nakakaraan.

"Ngayon lang kita nakita,ngayon nga lang din nagpakilala ng lalaki si Fayre eh" aniya.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon