"Mukha ba kong natutuwa?!" mahina pero pasigaw kong sagot.
"Galit ka nga" nakangiting sagot pa nito.
Baliw ba to? Laging ngumingiti kahit walang nakakatawa! Tumingin pa ako saglit sa harapan ng kotse,anak ng! Nandun padin ang mga katrabaho ko
Bwesit! Tumingin ulit ako kay Jimin.
"Malamang! At sa tingin mo ba di magtataka ang mga yan kung sino ka?!"
"Ako si Jimin" sagot niya
Errr...gago tsk!
"Oo nga ikaw si " Jimin" ang ibig kong sabihin magtataka sila kung kaano ano kita!"
"Boypren mo daw ako? A-ano yun nilalang?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong niya.
"A-Ano? B-Boyp-pren?? Hoy! hindi kita boypren at wag ka nang magtanong kung ano yun!" inis kong sagot.
"Anong ginagawa nila sa likod?"
"Ang tagal ata..wait! Are they kissing?"
"Ow em jii, no way!"
Hoy! Mga ano,rinig na rinig ko kayo!Pano naging boypren ko to eh mas matanda to sakin ng ilang milyong taon!
"Basta wag kang magsasalita ng kahit ano maliwanag?" tanong ko sa kanya. Medyo naninibago ako sa aura niya ngayon, mas maayos ang buhok nito na blonde at tsaka hindi madungis,.yung parang tao talaga!
"Sige nilalang" nakangiti pading sagot nito.
Hinila ko siya at pareho kaming umalis sa likod na parang walang nangyari. Di ko pinansin ang mga taong yun at diretso ang mga mata kong binuksan ang pinto ng kotse.
"Dun ka sa kabila,buksan mo ang pinto kundi patay ka sakin" bulong ko pa habang patulak pa siyang pinalakad.
Alangan namang ipakita niya sa lahat na ora mismo nasa loob na siya ng kotse. Hindi! Hindi maaari!
"Wait Gwyn" may biglang humawak sa balikat ko, lumingon ako at yung babaeng punyeta parin si Lexi. Napabuntong hininga ako.
"Eh?" ako
"Hindi mo lang ba kami ipapakilala sa kasama mo" may landi sa boses niya. Papasok na sana si Jimin dun sa kabilang pinto pero napatigil at tumingin samin.
"Para saan pa?" seryoso kong tanong
"I just want to..hmm I mean we just want to know him,.boyfren mo?" tanong pa niya.
Patago akong nagsmirk.
"Hindi mo siya pwede makilala" sagot ko
"At bakit naman?" parang dismayado pa siya "Unless boyfren mo siya"
Isang boyfren pa at sisigaw ako!
"Tch!, hindi ko siya boyfren" mahinang sagot ko. Natuwa pa to.
"Then who is he?" nakangiti pa siyang tumingin kay Jimin,heto namang lalaking to ngumiti pa sa kanya.
Tsk! Palibhasa inosente
"Excuse me,.aalis na kami" sagot ko pa. Umatras siya ng kaunti para hindi siya matamaan ng pinto na padabog kong sinarado.
"Hey! kahit kailan talaga wala kang modo!" sigaw pa niya sakin.
Ngumisi lang ako at tsaka pinagana ang makina.
"Jimin! Jimin pangalan ko!"
Nagulat ako sa ginawa ni Jimin! Abay nagsalita pa. Ngumiti yung babaeng yun sa kanya. Nakakasuka tsk!
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018