FAYRE'S POV"Hindi ikaw si Jimin" pag uulit ko pa pero ngumisi lang siya.
Umatras ako ng umatras, yun lang ang tanging magagawa ko sa ngayon! Wala akong makitang kahit na anong maaaring magamit ko para sa kanya. Napapikit ako at tinawag ang totoong Jimin sa isip ko
'Jimin,nasan ka na? Heto na naman ako,....kailangan kita.'
Nabigla ako ng matigil ang pag atras ko at nakasandal ako sa isang pader.
Demmit!
Mas lalong lumaki ang pagkakangisi niya sakin, rinig ko ang mga sigawan ng mga taong takot,.ngayon ko lang din napansin na nagkakagulo na talaga,..at hindi lang ang isang to ang nandito ngayon....madami sila.
"Huwag kang mag alala dahil ikaw lang ang pakay namin" nakangising sabi niya..sa malamig at nakakatakot na paraan.
Iniwas ko ang paningin sa kanya at itinuon sa ibang bahagi at nanlaki ang mga mata ko sa mga nakikita ko.....dumating ang mga ANGHEL.
Gusto ko mang sumigaw na nandito ako ay parang nauubusan ako ng laway at umaatras ang dila ko sa takot.
Wala na akong choice.kailangan kong gumawa ng paraan!
Hindi parin niya inaalis ang paningin niya sakin pero mabilis akong tumakbo papalayo
"Ahhhhh!!!" sigaw ko ng mabilis niyang nahila ang buhok ko. "Bitawan moko!" sigaw ko
Sana makatulong ang pag sigaw ko.
Pero sa mabilis na paraan niya ay nahila niya ako at tinakpan ang bibig ko.
"Ssshhhhhh" mahabang sabi niya.
Hinihingal ako sa sobrang takot.
"Naririnig ko ang pintig ng puso mo Elise" bulong niya pa sa mismong tainga ko.
Rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso ko at inaasahan kong sa sobrang lakas nun ay para bang sasabog ito anumang oras.
Nakita ko ang mga taong nagsisipagtakbuhan at mga walang laban, Nakakamanghang tingnan kung pano protektahan ng Anghel ang mga tao,kasabay ng pakikipaglaban nila sa kasamahan ng isang to.
"Nasan si Jimin?" galit na tanong ko
"Ako si Jimin"
"Sinungaling! Alam kong hindi ikaw siya--
"Pano ka nakakasiguro?" sarkastikong tanong niya at natigilan ako.
"Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya." seryosong sabi ko
"Hindi mo pa talaga siya kilala hmm" ngisi pa niya.
Sinubukan kong patiran siya pero napakalakas talaga niya wala akong laban
Kung ako ang pakay nila, ayoko nang may madamay pa.
"Kunin niyo na ako" wala sa sariling usal ko.
"Hmm kahanga-hanga" bulong niya ulit. Hawak parin niya ang buhok ko at ang isang braso niya ay nasa leegan ko....wala na akong kawala sa kanya.
"Parang gusto kong ulitin ang ginawa ko sa pamilya mo" dagdag pa niyan at kinagulat ko. "Nakita mo naman kung pano ko pina--
"Wahhhhhhh!!!!!!" sigaw ko at buong lakas na pinatiran siya sa tiyan.
Biglang may kung anong sumapi sakin na lakas para magawa kong mapaatras siya...dahil sa pamilya ko.
Umangat ang buong galit sa buong utak ko at umabot sa buong pagkatao ko. Isa pala siya sa pumatay sa pamilya ko. Kinuyumos ko ang mga kamay ko at galit na tumingin sa kanya habang mabilis na tumulo ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018