CHAPTER 8

68 9 0
                                    

UNKNOWN POV

"Anong pinapanood niya??" takang tanong ng kasama ko.

"Ewan ko mukhang patungkol sa mga tulad natin" mahinahong sagot ko.

Nakatayo kami sa tabi ng aso niya,nakikinood din

"Tulad natin???Di ko maintindihan kapatid," pagtataka pa nito.

"Panoorin mo" sabi ko sabay turo sa TV kung tawagin nila.

"Yan! Patayin mo yan hahahaha!"

Nagulat kami sa sigaw ng nilalang. Naririnig ba siya ng pinapanood niya? Nagulat ako kase napatay talaga yung tao sa loob ng TV,.gusto kong tulungan ang nasa loob,nakakaawa.

"Gago pala tong si Castiel eh! Tsk!" sigaw na naman niya.

Tumingin ako sa kasama ko,.pansin kong napakunot noo siya.

"Ayos ka lang ba kapatid?" tanong ko sa kanya.

"May kilala ka bang Castiel sa langit..yun oh! Nasa TV siya" turo pa niya.

Umiling ako bilang sagot,.wala akong kilalang Castiel sa langit. Nakakalito ang mga pinanood namin kung pwede lang pumasok sa TV at magtanong sa loob kaso baka magalit ang nilalang pag pumasok ako sa loob.

"Saan ka pupunta??" tanong ko sa kanya.

Hinila niya ang espada nito na parang lalapit sa TV.

"Kakausapin ko yang Castiel na yan,.itatanong ko kung kampon din ba siya kay Beeldezub" ang seryosong sabi nito sakin.

Di maaari! Nanonood pa ang nilalang.

"Mamaya nalang tayo papasok sa TV pagkatapos manood ng nilalang" pilit na pigil ko sa kanya.

"Pano kung umalis? Oh ayan! Nawala na oh!" Turo niya doon sa TV

"Mamaya nalang" mahinahong sagot ko.

Pano kaya nakapasok ang Anghel sa TV? kakaiba din ang tao.

Nagulat kami ng biglang dumilim. Biglang dumilim ngunit medyo nakikita ko pa ang paligid dahil sa aninag ng buwan sa may bintana.

"WHAT!! ANO TO BROWNOUT??!!!" ang malakas na sigaw ng nilalang.

Bawn awt pala ang tawag dito.

May kung anong kinuha ang nilalang at nagulat kami ng kasama ko ng biglang nagkaroon ng liwanag sa hawak niya.

"Nakakagawa siya ng araw!!" halos manghang sigaw ng kasama ko. Hoseok nalang ang itatawag ko muna sa kasama ko hanggat di pa namin alam ang pangalan namin.

"Hindi araw yan kapatid,.flashlight" sabi ko.

"Plaslayt?" naiilang pang tanong nito tumango ako bilang sagot.

Pumunta ang nilalang sa kusina at may hawak na ewan ko.

"Bwesit bat ayaw sumindi nito!!" galit na sigaw niya.

Wala kaming alam sa pinagkakagawa niya,. Bigla siyang tumayo at madaling sinarado ang bintana at pinto. Bumalik siya agad sa pwesto na parang sinusubukan na naman niyang sindihan ito.

"Pambihira! Nakakagawa din siya ng apoy!!" manghang sigaw ni Hoseok.

Nasa harapan kami ng nilalang,tinatanaw ang apoy.

APOY..naaalala ko ang impyerno sa twing nakikita ko ang apoy. Nakaramdam ako bigla ng takot at kaba. Alam kong darating ang panahon na ipapatapon kami sa impyerno at doon kami unti unting pahihirapan habang buhay. Napaatras ako dahil sa naisip ko.

"Ayos ka lang?" pag aalala ni Hoseok.

Di ko siya sinagot..nakatingin parin ako sa apoy.

"AHHHHHHHHH!!!!!!"

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon