CHAPTER 4

98 11 1
                                    

Alas sais ng gabi ang schedule ng trabaho ko kaya alas singko palang ay naghahanda na ko. Suot ko na ang unipormeng kinuha ko kahapon.

Inihanda ko na rin ang mga pagkain ni Shanks para naman hindi ito magutom pag wala pa ako.

Inilapag ko sa sahig yung iba at yung iba naman ay sa lalagyan ng pagkain niya. Mas gugustuhin ko pang magkalat siya atleast busog hahaa.

"Shanks, alam kong di ka matakaw" sabi ko pa kahit kabaliktaran naman talaga.

"Huwag mong kainin to lahat sa isang oras ha? Matagal pako makauwi madaling araw pa kaya mag budget ka" dagdag ko pa. Natatawa ako kase inaamoy niya yung pagkain dun sa sahig.

Naisip ko tuloy pano nalang sa mga susunod na araw,sino nalang ang magbabantay sa kanya dito. Ayokong kumuha ng yaya! Kaya ko to,kaya naman siguro ng aso ko.

Tumingin muna ako sa salamin at nag ayos,pagkatapos nun ay hinimas himas ko muna siya bago ni lock ang pinto pati na ang gate.

Pinaandar ko na ang kotse at umalis.

"Look who's here"

"Bago lang ba siya dito?"

"Aba malamang! Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha niyan no"

"Actually nakita ko na yan dati,.interviewee siya ni Ms Lhei"

"Talaga?"

"Yup!,she's weird"

"Oo nga,.di siya makatingin satin oh!"

"Baka may tinatago!"

"Hahahahaha "

Letse!Bwisit! Unang araw palang ito na ang sumalubong sakin,Mga walang kwenta naninira pa ng iba,.eh kung sirain ko din buhay ng mga to! Nagtitimpi lang ako mga punyeta humanda kayo pag di ko kinaya mga ugali niyo.

Di ko nalang sila pinansin at pumunta sa bakanteng table doon,.para sakin ata yun.

"Miss pwesto ko to" mahinahong sabi ng babaeng lumapit sakin.

Narinig ko ang tawanan ng mga punyetang iyon. Sige tumawa pa kayo, tsk!

"S-Sorry a-akala ko k-kase Tsk! Miss nasan ba talaga ang pwesto ko ha!?" sigaw ko, ayokong magbait baitan,baka pagsamantalahan lang ako. Di naman talaga ako mabait!

Nanlaki ang mga mata niya sa naging asal ko pati na din ang mga punyetas.

"Kabago bago ang sama ng ugali"

"Oo nga, I swear di magtatagal yan"

"Sinabi mo pa"

Natahimik lang sila bigla ng may dumating.

"What's going on here?" Tanong pa ng lalaki. Tumingin siya sa mga punyeta tapos sakin.

"Your new here right?"tanong pa niya

Tumango lang ako.

" Aba tingnan mo naman ang ugali at kung paano siya makipag usap sa Manager natin oh" bulong ng isa

"I see,come follow me" sabi pa niya. Sumunod ako sa kanya at rinig na rinig ko ang bulungan ng mga punyetas.

"Grabe ang gwapo talaga ni Sir"

"My chinito prince"

Eww mga malandi,.pati pa naman boss nila nilalandi. Gusto kong masuka sa narinig ko. Totoo naman eh gwapo siya pero hindi ako malandi at maglalandi.

"Gwaenchaneyo?" tanong niyang di ko maintindihan.

"I'm sorry I mean are you okay?"

Ahhh yun pala yun,..ano kaya tawag sa lingwaheng yun,pati si weirdo parang yun din ang accent niya eh.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon