CHAPTER 60 - R I S I N G

85 4 0
                                    

•|R I S I N G |•

FAYRE'S POV

Kahit hinang-hina ay binilisan ko ang pagtakbo pero kaagad akong natigilan sa nakita ko..

"Fayre kailangan na nating makalabas dito!" rinig na rinig ko ang sigaw ni Jimin habang tumatakbo papalapit sakin pero agad din siyang natigilan.

Sobrang gulo na ang mga nangyayari, nakita ko kung pano lumaban sina Hoseok at Suga kasama si Lerajie sa mga demonyong nandun habang si Jinmichael naman ay nakikipaglaban kay Naberius. Magaling si Naberius, kaya niyang ilagan ang bawat kilos at sugod ng espada ni Jin sa kanya, isa sa mga nagpapalakas nito ay dahil nasa kanya ang espada ni Beelzebub.

Natakpan ko ang bibig ko ng masugatan ang kaliwang braso ni Jin at nasundan pa sa kanang tagiliran niya dahilan para mapaluhod siya at naitukod ang espada nito sa lupa pero sadyang walang awa si Naberius dahil mabilis niyang naitapon sa malayo ang espadang hawak ni Jin dahilan para mawalan siya ng balanse.

Gusto kong sumugod dun pero mahigpit na hinawakan ni Jimin ang isang braso ko habang nakikipaglaban sa mga demonyong lumalapit samin.

Halos mapatili ako ng itaas ni Naberius ang espadang hawak niya na nakatutok sa mismong ulo ni Jinmichael pero may kung anong malakas na nilalang ang bumangga kay Naberius dahilan para mapatilapon siya sa malayo at nabitawan ang hawak niyang espada!

SI JUNGKOOK!

Sa kauna-unahang beses ngayon ko lang siya nakitang nakipaglaban, siya ang bumangga kay Naberius para di mangyari ang kaninang balak nito kay Jin.

"Ahh!" biglaang sigaw ko ng hilahin ako papalayo ni Jimin sa halimaw na di ko namalayang pasugod sakin!

"Umalis na tayo dito!" pamimilit niya, lumingon ulit ako sa kanila at nakita ko kung gaano sila nahihirapan. Bumangon si Jinmichael na hindi iniinda ang mga sugat sa katawan nito at nakipaglaban ulit.

Walang katapusang laban,.parang wala man lang nakukuha o namamatay sa kanilang lahat, NAPAKARAMI NILA...SOBRA.

Mabilis kong nilibot ang paningin ko pero si Naberius lang ang nakikita ko at hindi ko makita si Belphegor!

"Fayre!!" sigaw ni Jimin

"Ang simbolo! kailangan nating kunin yun Jimin!"

Hinanap ng paningin ko si Belphegor at nanlaki ang mga mata ko ng makita siyang mabilis na umaakyat sa pinakatuktok ng hawla ni Beelzebub! Sira sira na ang mga pakpak nito pero nagagawa pa niyang makaakyat doon!

NASA ISANG KAMAY NIYA ANG SIMBOLO!

Sa di kalayuan nakita ko ang espadang hawak kanina ni Naberius na nakatusok sa isang bato, walang nakapansin dun at mukhang hindi nakita ni Naberius na dun niya nahagis ang espada kanina.

Iwinakli ko ang kamay ni Jimin na nakahawak sa braso ko at mabilis na tumakbo papunta dun, narinig ko pang sumigaw si Jimin pero nakatuon ang atensyon ko kay Belphegor at sa espadang ilang layo na lang sakin!

Mabilis kong hinablot ang espada at patakbong inihagis yun kay Belphegor!

Nasapul ng espada ang likuran niya dahilan para mapasigaw siya sa sakit at nabitawan ang hawak niya.

Patakbo kong sinundan ang kababagsakan ng simbolo at nasalo yun!

"Ahh!" napasigaw ako at di sinasadyang mabitawan yun ng biglang may humila sa buhok ko at malakas na tinulak ako sa isang malaking bato at nauntog na siyang nagpahilo sakin.

Nanlalabo ang buong paningin ko at lahat nalang ng dapuan ng mata ko ay umiikot.

Ilang segundo pa ay nakarinig ako ng tining ng mga espadang nakikipaglaban.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon