JIMIN'S POV"Nagkita ulit tayo.......Raziel" sabi niya habang nakayuko padin kaming dalawa ni Hoseok.
Itinaas ko ang ulo ko habang nakaluhod padin sa harap niya. Wala pading nagbago sa kanya, nakasuot ito ng napakaputing kasuotan na nakakasilaw padin at ang mga malalapad at matutulis na pakpak nito na kulay ginto. Siya padin ang Anghel na kilalang kilala ng lahat...ang sundalo ng Diyos, ang nagpabagsak noon kay Beeldezub.
"Michael" mahinang bulong ko.
"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ni Hoseok. Napatingin agad ako sa inasta niyang yun.
"Hoseok" bulong ko pa
"Hmm,...Hadraniel, hindi ko alam na magkasama pala kayo ni Raziel" parang namamanghang sabi pa ni Jinmichael sa kanya.
Pero hindi ko padin maintindihan,.bakit tinawag niya akong Raziel at si Hoseok ay Hadraniel? Hindi kaya ito na ang sagot sa tanong ko kung ano ang pangalan ko? Kung sino ako noon?
"Tumayo kayo" may awtoridad sa boses niya.
Tumayo kami na nakayuko padin. Dun lang ako nakatingin sa sahig habang pinapanood ang malalakas na yabag niya. Tinitignan niya ang buong paligid.
"Masaya akong makita ka ulit Jinmichael" sabi ko habang nakayuko padin.
"Ilang milyong taon at henerasyon na ang nakakalipas pagkatapos ng labanan at masaya kang nakita ulit ako Raziel?" seryosong tanong niya.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman o sasabihin ngayon,masyado akong kinakabahan sa twing magsasalita siya. Siya padin ang kilala kong Anghel, ang anghel na kinatatakutan ng katulad namin.,ang anghel na dating.....kaibigan ko.
"Bat kayo nandito?" tanong ni Jinmichael sa amin
"Kami dapat ang magtanong kung bakit ka nandito" galit na sabi ni Hoseok sa kanya.
Ng makita kong hihilahin ni Jinmichael ang espada niya ay tsaka ako pumagitna sa kanila
"Pakiusap....huwag" pagmamakaawa ko
Biglang ngumisi si Michael at hindi ko maintindihan yun, ibinalik naman niya ang espada niya.
"Wala ka pa ding pinagbago Raziel" sabi pa niya sa.....akin.
"Kahit ganyan ang hitsura niyo ngayon,hindi niyo padin matatakpan ang sariling katauhan niyo....kung ano ang hitsura niyo ngayon.....pareho lang din nila." seryosong sabi niya na palipat lipat samin ng tingin.
Napayuko nalang ako habang narinig yun...tama siya, Hindi ito ang totoong kaanyuan namin...katulad lang kami ng iba.
"Ano ba ang pwedeng gawin namin para mapatawad kami ng Ama?" tanong ko na may pagmamakaawa, tumingin naman siya sakin ng diretso.
"Isang kahangalan ang ginawa niyo at magtatanong ka sakin ng ganyan Raziel?" Sabi niya
"Kailanman ay di na magbabago kung ano ang kinahantungan ng maling desisyon niyo kapatid,..at hindi na pwedeng ibalik ang kung anong nasira." dagdag pa niya.
Nang narinig ko yun ay nawala ang kaisa isang pag asa na meron ako.
"Hindi ako pumunta dito para sa inyo, nandito ako para sa 'taong nakatira dito" may lalim sa boses niya.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Hoseok, at gulat akong napatingin sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.
"Siguro ay alam niyo na iyon hindi ba? Kaya kayo dumidikit sa kanya?" tumingin siya samin pero wala akong maintindihan maski isa.
"Hindi kita maintindihan J-Jin.." naiusal ko
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018