Hindi na ako natulog at ang ginawa ko nalang ay umiyak, habang nakatakip ang mga kamay ko sa mga mata ko.
'Badtrip! Bat ko pa inalala!
Pinunasan ko na ito habang nakatingin sa kawalan..nakaramdam na naman ako ng galit...matinding galit!
"Kahit ngayon alam kong may mga tulad nila,anghel,demonyo o ano pa yan, hinding hindi ako maniniwala na merong 'Diyos!" pagdidiin ko pa habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko
"Kahit bigyan pa ko ng magandang dahilan...tsk! May magandang dahilan ba dun?! ang hayaang patayin sila? Ng ganun ka brutal?! What the hell" bulong ko habang nakatitig parin sa kawalan.
"Kasalanan mo to 'lahat...o kung totoo ka man,..the heck are you" dagdag ko pa
Heto na naman yung matinding galit na matagal ng nakatago at nakakulong sa loob ko.
<dug!dug!>
Napalingon ako sa pinto dahil rinig kong may kumatok.
"B-Bukas yan" sabi ko
"Pero nakasarado eh" sabi pa niya
"Edi buksan mo!" sagot ko
"Kaya nga eh...nakasarado, pano ba to?"
'Loko hayst.
"Hawakan mo ang door knob tsaka itulak mo" detalyadong sabi ko.
'Ano pa nga ba,eh di tao tong kausap ko eh amp!
At yun nabuksan na nga niya.
"Hoseok, oh bakit?" tanong ko.
"Narinig kita....umiiyak ka" sagot niya.
"Ang talas din ng pandinig mo eh" sabi ko habang tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Nasan si Jimin?" tanong ko
"Nasa baba" sagot niya.
"Ahhh" nasabi ko nalang. "May kailangan ka?" tanong ko
Tinitigan ko siya at nakatingin naman to ng diretso sakin
"Gusto sana kita makausap...ng tayo lang"
Napakunot noo ako habang sinusubukang basahin ang iniisip niya pero parang blanko din hayst.
"Sige, pero wag dito" sagot ko
"Hah?" siya
"Tsk basta wag dito sa kwarto ko baka kung ano pang isipin ni-- ...tsk basta dun sa terrace!" sigaw ko at umunang maglakad sa kanya.
Malaki ang bahay ko,pero mas malaki talaga yung dating bahay namin...namin ng pamilya ko.
Binuksan ko ang glass door dun sa terrace at nagmadaling isinandal ang mga siko ko sa metal bar doon habang
Nilalanghap ang malamig na hangin.
Ramdam kong nakasunod naman siya at nasa tabi ko,pareho kaming nakatayo habang nakatingin sa magandang view ng village.
"Oh anong trip mo?" seryosong tanong ko ng nakatingin sa malayo.
"Ha?" siya
Nainis ako bigla.
"Ang slow mo talaga,...ang ibig sabihin ko ano sasabihin mo?" hinay hinay ko pa
"Wala" nakangiting sabi pa niya.
Nagulat ako...anong..
"Wala?!" tanong ko. "Eh ano trip mo?"
"Gusto lang kitang makasama ng tayo lang, at makilala ang tulad mo......" huminto siya na nakatingin sakin,napatingin na din ako sa kanya at di ko alam ang isasagot ko
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018