CHAPTER 20

41 4 0
                                    

FAYRE'S POV

Dali dali akong bumangon sa pagkakahiga ko. Hinihingal ako at pilit na hinahabol ang hininga ko. Patuloy na dumadaloy ang malamig na pawis sa buong katawan ko.

'Masamang panaginip

Madilim pa at alam kong wala pang liwanag sa labas ng bintana, nakapatay ang ilaw kaya alam kong madilim pa. Tumingin ako sa orasan sa tabi ko.

'Alas kwatro pa ng madaling araw.

Pinunasan ko ang buong mukha ko at binuksan ang maliit na lampshade sa gilid ko.

Akala ko talaga kung ano na naman mangyayari sakin buti gising na ako. Pinakiramdaman ko pa ang sarili ko at nang makumpirma na gising talaga ako dun lang ako nakahinga

'Buti naman.

Sinubukan kong isipin kung anong napanaginipan ko kanina at sariwa pa lahat ng mga nangyari,detalyadong detalyado. Parang totoo ang lahat ng yun,parang nandun talaga ako sa eksenang yun. Buti nalang di yun totoo dahil nakakaawa talaga ang taong yun pag nagkataon.

"Isang masamang panaginip lang yun Fayre,kailangan mo nang matulog" nasabi ko nalang sa sarili ko at pinatay na ang ilaw at humiga na. Tumingin muna ako sa kisame at sinubukang ipikit ulit ang mga mata ko.

<kriiiiingggg!!!!! kriiiingggggg!
'Alarm clock yan wag ano.

Nakapikit parin ako habang kinakapa- kapa yun at pinatay. Medyo nakakasilaw na ang liwanag ng araw kase tumatama ito sa mismong kinahihigaan ko. Bumangon na ako at agad pumunta sa baba,diretso sa kusina pero wala ni isa sa kanila.

Pumunta ako sa sala pero si Shanks lang ang nakita ko dun na kumakain. Nasan ang mga yun? Binuksan ko ang pinto baka nasa labas sila pero wala akong boses na naririnig.

"J-Jimin? H-Hoseok?" tawag ko pa pero walang sumasagot. Nakaramdam ako bigla ng kunting lungkot at ewan ko kung bakit ako ganito. Sanay naman akong iniiwan at nag iisa dati ah!

Padabog kong sinarado ang pinto at umupo sa sofa katabi sa aso ko. Inisip ko kung anong huling sinabi niya sakin.

"Nandito lang kami nilalang,hanggang sa paggising mo"

Pero bakit wala sila ngayon dito? Nakakainis! Bat ba kailangan ko pang seryosohin ang sinabi niya. Eh ano naman kung iiwan na nila ako ngayon. Di ba nga ikaw na nagsabi Fayre na hindi mo sila pinatira dito?

'Oo nga! Pero siguro naman alam ko dapat kung kailan sila aalis at hindi.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at napalingon agad ako doon.

"Magandang umaga nilalang" masayang bati ni Jimin sakin at parang may dala ito, pero nasan yung kasama niya?

"Nasan si Hoseok?" tanong ko

"Ahh,umalis na muna siya" mahinang sabi niya habang sinasarado ang pinto. "Kumain na muna tayo?"

Tumayo ako at lumapit sa kanya, kahit papano ay nandito na siya. Kinuha ko ang dala niya at tinignan yun.

TINAPAY?

"Pano ka nakabili nito?" tanong ko agad.

"Ahh, may tinulungan kase akong matanda kanina tapos binigyan niya ako ng pera para daw makabili ako niyan. Ang bait nga niya eh" kwento pa niya

"Bat ka lumabas? Alam mo naman di ba nga may usapan tayo?" seryosong tanong ko at nang wala siyang naisagot ay nagsalita nalang ako.

"Kunsabagay, may sarili ka ding pag iisip,kaya mong gawin ang gusto mo, at wala akong karapatan na pigilan ka"

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon