CHAPTER 14

44 6 1
                                    


"Kayo na muna bahala sa bahay,mapagkakatiwalaan naman kayo diba?" tanong ko

"Sigurado ka bang kaya mong mag isa?" si Jimin

"Tsk! sanay na ko ok?" inis na sagot ko..sa totoo lang natatakot padin ako pero ayokong magmukhang mahina sa kanila lalo na sa kanya.

"Pwede akong sumama" sabi ni Jimin.

Tinitigan ko siya,.sa itsura niya mukhang di naman niya magagawang traydurin ako pero hindi ibig sabihin may tiwala ako sa kanya.

"Wag na,kaya ko" sabi ko pa.

Pagtalikod ko naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko,may kung anong kumuryente sa kalamnan ko. Napalingon agad ako, binitawan naman niya ito agad.

"Mag iingat ka.....nilalang" sabi niya sakin.

"Salamat" pilit kong ngiti at tsaka tumalikod. Lumabas na ako ng gate at pumasok sa kotse ko. Tiningnan ko pa sa huling pagkakataon ang bahay bago ko pinagana ang makina at pinaandar ito.

SA CALL CENTER

Maaga pa kaya kaunti pa ang nandun,.dahil sa sugat ng paa ko medyo nahihirapan akong maglakad kumikirot parin kase eh!

Buti wala pa ang mga punyetas dahil kung hindi pagtatawanan lang ako.

Napatigil ako sa nakita ko.

Yung babaeng mabait na si Danielle at yung weirdong Suga pa lang ang nandun. Pansin kong nag uusap ang dalawa.

"Ahmm Yoongi,.binilhan kita ng kape alam kong paborito mo to" nahihiyang bigay pa ni Danielle sa kanya.

"Salamat" hindi man lang tumingin si Suga sa kanya pero kinuha niya yung kape at nilagay sa table niya.

"Tch!" bulong ko.

Nakita ko kung pano namula si Danielle ng kunin yun ni Suga. Wag mong sabihin gusto mo yang masungit na yan!

"Ahm may cupcakes ako,gusto mo?" alok na naman ni Danielle sa kanya.

"Di ako kumakain ng cupcakes" masungit na sagot ni Suga habang nakatingin padin sa computer niya.

Sungit. Ang bait ng tao ginaganyan mo!

"Ay hehe sorry" naisagot nalang ni Danielle.

"Alam mong ayaw kong ginaganito mo ako Dan,." biglang sabi ni Suga.

"H-Ha? What do you mean?" Gulat na tanong ni Danielle.

"Ayoko ng ganitong treatment galing sayo,..I already beg you to stay away from me noon pa,.naintindihan mo naman yun diba?"

Nagulat ako sa trato ng Sugang yun sa kanya. What the eych? Bat ganun siya kasungit kay Danielle!

"Yes" ngiti nalang sa kanya nito. "Alam ko kaseng di ka pa kumakain eh" dagdag pa niya.

Napalingon sila pareho sa kinatatayuan ko,.binaling ko naman ang mata ko sa ibang direksyon at dali daling pumunta sa pwesto ko...ng di tumitingin sa kanila!

Umalis na si Danielle doon at sa tingin ko pumunta na siya sa pwesto niya. Di ako tumingin pero ramdam ko.

"Napano yan?" Biglang tanong niya habang umiinom ng kape.

Naka slacks ako, pano niya nalaman na may sugat ang paa ko?

"Ang ano?" tanong ko para makasigurado.

"Nakita kita na parang pilay maglakad kanina" seryosong sabi pa nito na hindi tumitingin sakin.

Pano niya nakita eh magkausap nga sila nung Danielle.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon