CHAPTER 35

45 5 1
                                    

FAYRE'S POV

Nang makadating naman kami doon sa isang malapad at mataas na table ay nandun na ang mga kasama namin.

Nakalapag doon ang isang mahabang dahon na may mga kanin sa gitna at katabi nito ay may ulam gaya nalang kinilaw na isda at malaking inihaw na bangus, may nga kamatis at sawsawan din naman.

"Ano to??" inosenteng tanong ko habang nakatingin sa mataas na table doon.

"Ano ka ba, di mo alam yan?" natatawang tanong naman ni Danielle

Magtatanong kaya ako kung alam ko? Tsk tsk.

Umiling lang ako bilang sagot at gaya ng inaasahan ay nagulat siya.

"What?! Ahm tawag kase diyan is budol fight," aniya pa

"Budol fight?" inosenteng tanong ko naman.

"Oo eh nakita mo naman yang nakalapag na kanin at ulam sa may dahon ng saging?" tanong niya at tumango ako.

"Yan yung kakainin natin!"

"What??" gulat na tanong ko.

"Yup! Alam mo ang weird mo, dont tell me di mo pa naranasan ang ganitong pagkain?"

Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at tumingin ulit doon sa nakahilerang kanin at ulam sa dahon.

Weird na bang matatawag kung ngayon ko lang nalaman na may ganito?

"Let's go?" biglang sulpot ni Jungkook sa harapan naming dalawa.

Tumango lang ako at ngumiti bilang tugon.

Parang nagdadalawang isip akong sumunod sa kanila pero mukhang di na talaga kaya ng tiyan ko, kanina pa to kumukulo.

Nagpaumuna nang naglakad si Danielle habang ako ay nanatili parin sa kinatatayuan ko.

Naramdaman ko nalang na hinila na niya ako at nasa gitna na ako nila Danielle at Suga.

May kung anong dasal pa silang ginawa at wala naman akong alam doon kaya tumitig lang ako sa isang inihaw na isda, daing, kinilaw na isda at kanin sa harapan ko.

Napalunok naman ako habang iniisip kung pano ba kainin to, luminga linga pa ako sa paligid pero wala akong makita maski kutsara o tinidor.

"Kamay lang ang gagamitin mo" mahinang bulong pa ni Suga na hindi nakatingin sakin

Tumingin naman ako at mukhang tapos na pala silang magdasal.

Nagbilang pa si Jungkook at pagkatapos nun ay parang mga patay gutom ang lahat nang mabilis na kumain sa harapan ko.

Nagmamadali silang kumain,kumuha, ngumuya gamit ang KAMAY lang.

"Uyy baka maubusan ka niyan" nakatawang sabi ni Danielle na halatang ngumunguya na.

Hindi sa nandidiri ako pero hindi pa talaga ako kumakain ng ganito lalo't nakakamay.

Inilapat ko na dahan dahan ang kamay ko at naiinis ako kung bakit andaming tinik ng isda.

Pero mag iinarte pa ba ako kung tiyan na kalaban ko.

Hinawakan ko ang kanin at sinunod yung paraan nila ng pagkuha nito. Tsk pano nga ba ito? Huhuhuhu.

Ng may kinumot na ako na kanin ay nagdalawang isip pa ako kung isusubo ko yun kase hindi pa pala ako nakakapaghugas ng kamay!

Ano ka ba naman sarili ka! Nakakabwesit ka!

Mabilis ko tong sinaksak sa bibig ko at kumuha ng isda at saksak ulit,.muntik ko ng masuka dahil naparami ang pagsaksak ko sa bibig ko.

Bigla namang may nilagay sa harapan  ko si Suga na mineral bottle at dali daling binuksan iyun.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon