"H-Ha?" utal na tanong ko kay Jimin.
"Eh diba sabi mo wala kang escort? Pwede naman ako at tsaka para naman mabantayan kita doon"
"HINDI!" biglang sigaw ko at di ko alam kung bat nasigaw ko yun at nagulat naman siya
"Eh pano yan? Wala kang escort diba?" siya
Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon na di ko maexplain. Ano ba kase to!
"Eh pwede naman akong pumunta doone ng walang escort eh!" nakanguso kong sagot.
"Eh pwede naman kaming pumunta doon eh, magpapanggap nalang kaming tao" singit ni Hoseok.
"HINDI!" sigaw ko
"Bakit?!" takang tanong nila pareho, at sabay pa!
Hindi ako nakasagot.
"Eh...a-ayaw ko nga,m-masyadong delikado sa inyo at--
"Pero baka may mangyari sa'yo dun, eh pano kami dito nganga" malungkot pa na sabi nito.
NGANGA? PANO NIYA ALAM ANG SALITANG YUN?
"Eh basta di pwede,.ayoko baka pagkaguluhan pa kayo dun,"
Napatakip ako ng bibig ng sinabi ko yun, bat ko ba nasabi yun?!
"Pagkaguluhan?"
Tumingin ako sa kanila at nagulat ako kase nakangisi sila pareho.
"Wag nga kayong mag imagine!" inis na sigaw ko pero nakangisi parin ang dalawa.
"Eh ano ba dapat naming i-imagine?" pagdidiin pa ni Jimin.
"Kung ano-ano kase pinapanood niyo dito habang wala ako,kaya kung ano-ano na rin yang nasa utak niyo!" galit na sabi ko at tumayo na kaya lang
Hinawakan ako ni Jimin sa mismong kamay ko. Inis kong tinignan yun at hinay hinay naman niyang tinanggal ito.
"Eh para kaseng nagseselos ko pag may dumidikit sakin" nakangising sabi niya.
"Selos?! Baliw ka ba!" sigaw ko
"Ay sungit" singit na naman ni Hoseok.
"You shut up!" sigaw ko sa kanya.
"Ok I shut up" pang iinis niya. "Masyadong mainit ang ulo mo nilalang." dagdag pa niya.
"At pinapakulo niyo pa eh mainit na nga! At teka,ano bang nangyayari sa inyo ha? Kinain na ba kayo ng sistema ng mundo? " inis na tanong ko at natigilan naman sila.
"Eh pano ka namin mababantayan?"
"Eh bat ba naman ako babantayan Jimin? Sekyu ko ba kayo? SEKYU!" pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Baka atakihin ako,mahirap na.
"Espesyal ka Fayre" sagot agad ni Jimin.
Hindi ako nakasagot dahil nakatingin siya sa mismong mga mata ko.
"Hindi ligtas sayo doon,lalo na h-hindi natin alam kung kailan lalabas at aatake ang mga dem-..mga yun" sabi ni Hoseok
"Kaya ko ang sarili ko" sagot ko agad kahit alam kong nanghina ako bigla ng maalala ko ang mga nangyayari ngayon sakin.
"Nilalang" si Jimin.
"Tsaka nalang siguro natin pag usapan to,pagod ako at isa pa,tatlong Linggo pa bago yun,baka magbago ang isip ko at di nako pupunta dun" sagot ko at agad na pumunta sa kwarto ko.
Inayos ko ang sarili ko at umupo sa kama habang napapaisip. Baka nga,baka may mangyari na naman at baka mas lumala pa ang makita ko.
Hanggang ngayon bigla biglaan pading sumasakit ang ulo ko at may kung ano-ano akong nakikita bigla, at ang nakakatawa pa, minsan kung ano yung mga bagay na makita ko sa isip ko, nagkataon namang makikita ko.
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018