CHAPTER 17

44 7 0
                                    

FAYRE'S POV

'SUNDAY

Iminulat ko ang mga mata ko at kisame agad ang unang nakita ko.

'Nakagising ako ng normal ngayong araw na to, mabuti naman.

Hindi ako bumangon agad at nakatingin lang ako ng diretso sa kisame. Hindi ko alam kung ilang segundo or minuto kong ginawa yun hanggang sa tumingin ako sa bintana.

Nakasarado pa ito pero yung liwanag sa labas ay nakikita mo na. Humangin kaya nagagalaw ang kurtina doon kaya naman natatanaw ko ang labas.

'Mukhang maganda ang araw ngayon, ang tanong magiging maganda kaya ang araw ko ngayon?

Binangon ko na ang sarili ko at habang nakaupo biglang tumalon si Shanks sa kama ko.

"Shanks" nakangiting banggit ko sa pangalan niya habang dinidilaan ako.

Hinihimas himas ko pa siya at niyakap.

"Kamusta na ang aso ko? Hmm?" malambing na tanong ko habang nakayakap parin sa kanya.

Nung mga nakaraang araw alam kong di ko na masyadong naaalagaan to, masyado akong naging busy sa trabaho lalo na sa dalawang yun.

'Gising na ba ang dalawang yun? Ay tsk! Hindi pala yun natutulog. Naiisip ko tuloy kung anong ginagawa nila sa twing matutulog ako. Baka di ko na namamalayang patalikod na akong lokohin ng dalawang yun. O baka naman palihim akong pinagmamasdan habang natutulog.

'Huwag niyo lang subukang magpahuli sakin, dahil di ko alam ang magagawa ko.

Teka ano yun?

Tumayo ako at lumapit sa bintana para buksan yun. Medyo nasisilaw pa ako sa sobrang liwanag ng araw.

'Isang kampana ang narinig ko. Anong okasyon ngayon?

Malamang Linggo ngayon,

Inayos ko ang kurtina ng bintana at tumingin kay Shanks. Pinapaliguan ba to ni Hoseok?

Pinasunod ko si Shanks sa CR at pinaliguan pagkatapos nun ay pinunaaan siya agad.

'Rinig na rinig ko parin ang tunog ng kampana. Inis akong pumasok sa CR para maligo na rin.

Pinaandar ko ang gripo at pinapuno muna ang balde doon. May shower naman pero trip kong gawin to.

May salamin doon kaya tinignan ko ang sarili ko. Tinitigan ko ang sarili ko.

"Andami mo nang napagdaanan Fayre,pero kahit isang tanong di mo parin mahanap ang sagot" bulong ko sa sarili ko.

Bigla kong naisip ang mga sinabi ni Suga sakin.

"Hindi kita type kaya wag kang mag assume,tinitingnan kita dahil kakaiba ka.. may nakikita akong kakaiba sayo"

"Hindi kita kilala pero kilala ko ang tulad mo"

Hanggang ngayon palaisipan padin ang mga katagang yun sakin. Iba ba ako sa kanila? Anong pinagkaiba ko?

Nilayo ko agad ang mukha ko sa salamin at tumalikod. Hindi pala ako pwedeng tumingin ng matagal ng may repleksyon ko tsk!

Dali dali ko namang sinarado ang gripo dahil kanina pa pala umaawas ang tubig kaya nagmumukha ng swimming pool dito.

Ibinuhos ko ang napakalamig na tubig sa katawan ko at tsaka nagsabon. Napatingin na naman ako sa salamin, inis ko naman tong tinalikod.

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, biglang umikot ang buong paligid.

'Hindi, hindi maaari to,wag dito naliligo pa ako.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon