FAYRE'S POV
"Pano ang isang yan Jinmichael?" tanong ulit ni Jungkook habang nakaturo sakin.
Ensakto namang dumating si Namjoon at kinabigla ko yun. Bakit pa siya bumalik? Akala ko ay tatakas na siya dito kasama si Danielle.
Walang imik lang si Namjoon habang nakatingin sa kanilang lahat.
"Namjoon" tawag ko sa kanya pero di siya nagsalita.
"Kim Namjoon" tawag bigla ni Jinmichael sa kanya. "Ngayo'y naniniwala ka na ba?"
Tumingin ako kay Jinmichael at nakatingin siya kay Namjoon. Di man lang nagsalita si Namjoon, balisa ito.
"Teka anong gagawin mo??" tanong ko ng lumapit si Jinmichael kay Namjoon. "Tatanggalin mo din ba ang alaala niya sa nangyari?"
"Namjoon" mahinang tawag ko ulit at dun na siya tumingin sakin, doon ko nakita ang sobrang pagkabalisa niya.
Dun na biglang tumulo ulit ang mga luha ko, alam kong ito ang nakakabuti para sa kanya pero bakit parang ayoko? Makasarili ba ako kung gusto kong maaalala niya lahat ng ito para may madamayan ako?
Pero kapag ginawa ko yun,habang buhay siyang matatakot sa nakita niya.
Ensaktong ilalapat ni Jinmichael ang kamay niya sa ulo niya ng biglang hinawakan ni Namjoon ito.
"Don't" usal niya na kinabigla ko. "Ayokong burahin mo ang nakita ko, sapat na ang mga nakita ko para maniwala,.makakayanan mo bang bumalik ako ulit sa dati? " tanong niya kay Jinmichael.
"Tanging siya lang ang pwedeng makaalala nito," patungkol ni Jinmichael sakin.
Madiing pumiglas si Jinmichael sa pagkakahawak ng kamay niya at...
"Wag!" singit ko at humarang sa kanya. "Wag ang isang 'to" utos ko.
"Pero--
"Please" pagmamakaawa ko at lumayo siya kay Namjoon.
"Tama ba ang mga nakikita ko? Ha? sumusunod ka sa isang babae?" tanong ni Jungkook sa kanya.
"Hindi siya isang ordinaryong babae" sa wakas ay sumagot na si Jinmichael sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin ha?" si Jungkook
"At bakit ko sasabihin sayo? Nakakasiguro ba akong pag nalaman mo ay hindi ka gagawa ng hakbang para--
"Ano bang pinagsasabi mo??!!" di ko na mapigilan ang sarili ko. Masyado na kong naguguluhan sa kanila.
"Ano ako?? Ha?! Ano ba ako sa inyo?!" sigaw ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Walang nagsalita.
"Bat ba lahat ng ito nangyayari sa akin? Bakit ha?! Sabihin mo bakit?!---- Bakit ayaw mong magsalita!?" sabi ko
"Hindi ito ang tamang lugar at oras Elise--
"Anong tama?? Kailan ba magiging tama? Ano!? Pag namatay na ako? Kapag ikamamatay ko ang--
"Hindi ka mamamatay" sagot ni Jinmichael
"Ha!" pekeng tawa ko.
"Hanggat nandito ako Elise hindi ka mamamatay--
"Bakit sino ka ba? Ha?!"
"Fayre!" pagtataas ng boses sakin ni Jimin na kinagulat ko. "Magbigay ka ng respeto--
" The heck!" bulaslas ko.
"Ako ang inutusan ng Ama para protektahan ka nilalang"
"Ama?" natatawang tanong ko.
BINABASA MO ANG
NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔
Mystery / Thriller[TAGALOG BTS ff.] GOD. ANGELS. DEMONS. Gwynette Fayre Elise doesn't believe in such existence. Not until they see them in her own eyes. Everything's changed. inspired by Blood, Sweat and Tears Start: Feb. 7, 2018 End: June 27, 2018