CHAPTER 38

38 4 0
                                    


DANIELLE'S POV

"Shall we dance now?"

Nagulat ako sa paglapit niya agad sakin at sa pag alok niya ng kamay.

Seryoso ang mga mukha niya pero nandun padin ang magandang ngiti niya. Ngayon ko lang ulit siya nakita.

Tumingin ako sa kamay niya at napalunok.

"Oo naman" nakangiting sagot ko at kinuha ang kamay niya.

Nakapunta kami sa dance floor ng di ko man namalayan....masyado akong kinakabahan.

"You look perfect" sabi pa niya.

"T-Thanks" sagot ko naman.

Nakakailang ang sandaling ito para sa aming dalawa,pero sa mga oras na to,masaya akong makita ulit siya,.na maayos kaysa sa huli naming pagkikita.

Nakatingin lang kami ng diretso sa isat isa.

"Anlaki ng pagbabago mo ha" pagbabasag ko sa katahimikan namin.

"Hmm, do I really change?" tanong niya at tumango ako. "Maybe I've change hahaha" tawa niya.

"Walang permanente Dan,.lahat nagbabago" dagdag pa niya.

"Akala ko kase nakalimutan mong pumunta dito"

"Ahm actually kanina pa ako nandito,. Hinahanap kase kita kanina,kasama mo lang pala si Fayre."

"Hmm I see"

"May isang salita ako Dan, kapag pupunta ako,.pupunta talaga ako,.lalo nat ikaw yung nag alok sakin nito.....at kung.....papalayuin mo ako,...."

Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin naman ako sa kanya.

"Lalayo ako...para sa'yo" mapait na dugtong niya.

"Namjoon" naiusal ko.

Nangingilid na ang mga luha sa mga mata niya pero agad niyang pinunasan ito at ngumiti.

"Masaya akong makita kita ulit" pilit ang ngiti niya.

"Ako din" sagot ko naman.

Nag iba ang tugtog ng Sounds...

Now playing : SEA

"Nagtataka padin ako kung bakit natawagan mo ako" pag iiba niya

"Ahm...eh kase...yun padin kase yung number mo noon hindi ba? " naiilang na tanong ko.

"Ahh yeah..oo nga naman hehe" sagot niya.

Dinelete niya siguro ang number ko kaya hindi niya alam na ako ang tumawag sa oras na yun

Napabuntong hininga ako sa naisip ko.

"Kilala mo si Fayre?" tanong niya

"Oo,katrabaho ko siya" sagot ko.

"Kaibigan?"

"Hmm parang ganun nadin" sagot ko at bahagya siyang tumawa.

MAGKAKILALA PALA SILANG DALAWA?

"Close kayo?" di ko na napigilang magtanong.

"Hmm ewan" natatawang tanong niya.

Nilayo ko ang tingin sa kanya at nilibot ang kabuuan ng dance floor,. Nakita ko sa di kalayuan si Fayre at yung gwapong lalaking nakita ko sa parking lot noon. Mukhang nag eenjoy ang dalawa.

"Bagay sila" wala sa sariling nasabi ko.

"Sino?" tanong ni Namjoon at nilingon niya ang tinitignan ko.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon