CHAPTER 5

92 9 0
                                    

UNKNOWN POV

"May nakikita ka bang kakaiba?" tanong ko

"Hmm wala pa,pero may kakaiba sa paligid na ito, teka anong tawag ulit sa lugar nito? "

"Parking Lot kung tawagin nila ito" sagot ko

"Ahh Kakaiba,..madaming umaandar na bagay kapatid dun oh " sabay turo niya..kita ko ang pagkamangha niya sa mga bagay na yun.

"Kotse ang tawag nila diyan,..sinasakyan nila ito" kwento ko sa kanya.

"Paano mo nalaman ang mga bagay na yan?" takang tanong nito sakin.

Itinuro ko yung isang sulat sa itaas na may nakalagay na 'PARKING LOT

"Di ko napansin haha" sabi niya.

"Di ba natin siya lalapitan? Paalis na ata siya"

"Dito lang muna tayo," utos ko sa kanya

Wala ng tao doon at yung babaeng nilalang na lang ang nandoon.

"Di pa ba siya aalis? Anong ginagawa niya?" takang tanong na naman ng kasama ko.

"Nagdarasal" sagot ko

"Nagdarasal? Hahaha eh lakas nga magmura ng nilalang na yan at kung makasumbat sa Ama ay ganun ganun na lang.....patawad kapatid" tinapos niya agad nang makita niya ang reaksyon ko sa mga sinabi niya.

Tinitigan ko siya,.nagtataka din ako kung bakit nakapikit siya sa harapan ng salamin na kung tawagin ay kotse.

Minasdan ko ang mga mata niyang nakapikit,...napakalungkot,..napakabigat.

Isang nilalang na alam kong may pag asa pang baguhin...naniniwala ako.

Biglang hinila ng kasama ko ang kanyang espada.

"BELPHEGOR!" galit na sabi niya.

Napatingin ako sa kanya at sinundan ko kung nasan siya nakatingin. Hindi maaari! Papunta si Belphegor sa kinatatayuan ng nilalang.

Hinila ko ang espada ko.

"Iligtas natin ang nilalang" seryosong sabi ko.

Mabilis kaming tumungo doon at hinarangan ko ng aking malalapad na pakpak ang babaeng nilalang.

"Kailangan mong tumakas nilalang,ako ng bahala sa kanya!" Sigaw ko sa kanya. Pero ng lumingon na ako sa kanya nawalan na siya ng malay.

'Hindi maaari

"Ako ng bahala sa babae,huwag kang mag alala kapatid!" sigaw ng kasama ko.

Hinarap ko muli si Belphegor.

"Kapatid anong nangyari sa mukha mo?" Tanong ko. Si Belphegor ay isa sa mga kasamahan ko dati sa langit. Kasama kong nahulog dito sa lupa.

"Hahahahahahaha" malakas na tawa nito. "At sa tingin mo anong ginagawa mo?!" panlilisik ng mga mata nito sakin.

"Isa ka ng demonyo,kampon ni Beelzebub!" galit na tugon ko.

Itinaas ko ang espadang hawak ko at tinuro sa kanya.

"Demonyo ka na din! Pareho lang tayong tinapon ng Diyos sa lupa!! Sa tingin mo ba na ang pag bait baitan mo ay makakaligtas sayo mula sa parusa ng Diyos?! Isa ka din sa trumaydor sa Ama!!" galit na sigaw niya sakin.

Hinawakan ko ng maigi ang espada at sumugod sa kanya. Napakalakas niya! Ang mga malalaking kamay nito ang siyang nagpapahirap sakin. Biglang naiwakli niya ang espada ko at napunta sa malayo. Sinakal niya ako at inihagis sa sahig. Di ko maigalaw ang katawan ko.

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon