CHAPTER 43

33 3 0
                                    

JIMIN'S POV

"J-J-im-min"

Nang banggitin niya ang pangalang ipinangalan niya sakin ay ganun nalang ang sayang naramdaman ko

'Di ko inaasahang magsasalita ka na sakin ulit Fayre, salamat...maraming salamat...

Hindi mawala ang ngiti ko sa kanya habang inaayos ko ang nakakapit na buhok sa mukha niya at mahinang tinapik ang ulo niya. Napapikit pa siya ng gawin ko yun.

Sandali kong tinignan ang buong mukha niya bago nagsalita.

"Kailangan mo nang umuwi nilalang" sabi ko at tumango naman siya bilang sagot.

"Shanks" sabay tapik pa niya sa asong nakatulog pala.

Nag umuna akong tumayo para tulungan siyang makatayo. Nagising na ang aso niya at sabay kaming naglakad.

Napapatingin pa siya sa dagat habang naglalakad.

"Maganda dito noh?" tanong ko.

"Oo" matipid na sagot niya.

Ako na ang humawak sa tali ni Shanks at di naman siya kumontra.

Hanggang sa makadating na kami sa harap ng kotse niya. Pinasok ko muna si Shanks sa likod at pagkatapos ay umupo sa harapan,sa tabi ni Fayre.

Pero bago pa niya pinaandar ang kotse ay lumingon siya sakin, nagtaka naman ako.

"Bakit?" nag aalinlangang tanong ko.

"Kanina mo pa ako sinusundan?" walang emosyong tanong niya.

"Ang totoo hinanap kita, sinubukan kong bigyan kita ng oras para sa sarili mo pero di mawala ang pag aalala ko sayo lalo na sa nangyari kahapon." sagot ko at umiwas naman siya ng tingin.

"Galit ka pa rin ba sakin?" nag aalinlangang tanong ko parin. Tinitigan niya ako na para bang binabasa ang nasa isip ko.

"Hindi ako nagalit sayo" pabulong na sabi niya pero rinig ko. "Mag seat belt ka na"

"P-Pano nga t-to?" nahihiyang tanong ko.

Napakamot siya ng ulo at lumapit sakin,bahagya ko namang iniwas ang ulo ko para mabigyang daan siya sa pag aayos ng seatbelt kung tawagin niya.

Narinig ko ang malakas na pagpintig ng puso niya na para bang kinakabahan siya sa ginagawa niya, gusto ko man magtanong pero ganun nalang din ang kaba na nararamdaman ko. Sobrang lapit niya sakin at parang isang hibla nalang ng buhok niya ang pagitan namin.

Kinakabahan ako sa di malaman na dahilan...normal ba tong nararamdaman ko?

Natinag na lang ako ng lumayo na siya sakin.

"A-Ayan..m-maayos na"

"S-Salamat" naisagot ko nalang.

Pinaandar na niya ang kotse at nagsimula ng magmaneho.

"Kamusta?" kanina pa kami magkasama pero ngayon ko lang naitanong.

"Medyo ok na" sagot niya at ngumiti lang ako.

"Salamat"

Napalingon naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung para saan siya nagpapasalamat pero sinuklian ko nalang ulit iyon ng ngiti

"Walang anuman" sagot ko.

Hanggang sa huminto na kami sa tapat ng bahay niya. Hindi pa siya lumalabas kaya hindi din ako lumabas,nakatingin siya sa kalsadang papunta sa bahay ni Namjoon.

"Nakausap ko siya kanina" sabi ko.

"Talaga?"

"Pupuntahan daw niya si Danielle"

NALGAE BOOK 1: Fallen Angel✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon