Chapter 16: Mike Mendez

869 38 0
                                    

  SINAMA ako ni Scott sa basketball court malapit lang sa tinitirahan nila. May laro daw sila mamayang six o'clock ng gabi.

    Palagi rin n'ya ako sinasama dati pag-may laro s'ya. Tinatakas pa nga n'ya ako sa bahay.

   Super, super, super close kasi kami dati. Kaya suportado ko lahat ng laro n'ya. Akala nga ng iba jowa ko ang varisity player ng university namin. But bestfriends lang naman kami.

    Umamin s'ya dati na crush n'ya ako pero hangang 'don lang, hindi na umabot sa ligawan. Masaya na kami sa friendship namin. Hindi naman n'ya ako kailangan ligawan kasi sadyang palagi ko na s'yang kasama.

    Pumarada si Scott malapit sa court, at bumaba na kami. Pagpasok namin sa entrace sumalubong agad ang teammates n'ya. Kilala ko sila dahil sila rin ang dating ka-teammates ni Scott 'nong sinasama n'ya ako pag-may laro s'ya, at iisa ang kulay ng jersey nila na black and white. Bukod  'don, iisa kami ng pinasukan university.

   Scott! Long time no see, bro,sabi nang medyo brown ang buhok na si Jake.

   “Buti nakapunta ka,dagdag ni Rey na pinakamaliit sa kanila.

   Umakbay sa kanya si Mark na halos kasing tangkad niya. “Magaling ka parin ba maglaro? Tatambakan natin ang kalaban ha.

   Nagtawanan sila.

   “Sino to? Girlfriend mo?

   Nagkatinginan kami ni Scott. Sanay na ako sa ganitong scenario kaya tinatawanan ko nalang. Pero si Scott tila nailang sa tanong ng kanyang teammates.

   Si Av 'yan, bestfriend ko.

   Oh Av! Hindi ka namin namukhaan. You look beautiful that before..

   Nginitian ko lang s'ya bilang ganti.

   Tara sa loob magsisimula na ang laro,” ani ni Mark.

   Halos mapuno na ang court dahil sa dami ng tao at sa mga taga-hanga nina Scott.

   Lahat sila ay may itsura, at ang galing nila mag-basketball kaya marami talaga nahanga sa kanila. 'Yong iba halos lahat ng laro nila nandoon din sila.

   Napatingin naman ako sa bench kung saan nakaupo ang mga kalaban nila. They look familiar..

   ‘No.. No.. No..’

   Mga nag-aaral din sila sa Montial University. Kasalukuyang school na pinapasukan ko.

   ‘Shet..’

   Inilibot ko pa ang mata ko at hindi ako magkakamali. Si Mike Mendez. 'Yong isa sa nagmiss-call saakin 'nong nasa bus ako. Siya 'yong heartrob sa school at swerte ko lang dahil nililigawan n'ya ako. Pero malas din dahil nakita ko pa s'ya rito.

   Bigla silang nagtayuan at ganun din ang team ni Scott. Magsisimula na ang laro. Sana hindi ako mamukhaan ng mga taga-Montial.

   Nag-agawan ng bola ang magkabilang team pero nakuha iyon ni Rey at ipinasa kay Scott.

   Pasok!

   Kyaaaaa!

   Go Rey and Scott!

   Kayo ulit ang mananalo!

   Kaya n'yo 'yan..

   Rinig kong sigawan ng mga fans nila.

   ‘Grabe, hyper sila ngayon, ah.’

   Nakuha naman ng kabilang grupo ang bola. Aagawin ulit sana ni Rey pero ipinasa ito kay Mike.

   Pasok!

   “Whoa! Ang galing mo Mike!”

  “We love you!”

  “Montial for the win!”

   Naging ganun ang ang laro. Pagnakakalamang ang grupo ni Scott mababawi nina Mike. Kita kong nahihirapan sina Scott dahil sa tingin ko ito ang pinakamagaling na nakalaban nila. Palagi kasi nilang natatambakan ang kalaban pero ito close fight.

   Forty-eight parehas nag-score.

   Meron nalang three minutes. Nag-aagawan sila ng bola at napapunta ito kay Mark. Agad  naman s'yang hinarangan ng kalaban kaya ipinasa n'ya ito kay Scott.

   Pasok.

  “KYAAAAAA!”

  “THREE POINTS NA ANG LAMANG!”

  “ANG GALING TALAGA NG BABY KO!”

  ‘Ay baby daw niya?’

  Hindi ko mapigilan hindi tumawa sa narinig ko.

  Nag-aagawan parin sila ng bola hangang makarating malapit sa kinauupuan ko. "Go Scott!" I cheered.

  Napatingin si Scott saakin pati narin ang player na nasa harap niya. Then, I realized it was Mike.

  ‘Dapat nanahimik nalang ako..’

  Ang bola ngayon ay nasa kalaban. Hinabol ito ni Rey at Mark pero naipasa ito kay Mike.

  Pasok.

  51-51

  Tila naging seryoso ang mga mukha ng teammates ni Scott. Kanina pangiti-ngiti lang ngayon kailangan na talaga nila magseryoso.

   Nakuha ulit ni Rey ang bola at akmang ipapasa kay Scott pero naagaw ito ni Mike. Dumulas sa kamay n'ya habang nagdi-dribble siya at nakuha naman ni Mark. Sumugod ang Montial kasama si Mike at sa kasamaang palad na sa kabilang grupo na ulit ang bola.

  Pero imbis na ipasa ng kagrupo nila kay Mike, kalaban ang tingin nila rito. Nagkagulo ang Montial at sa galit ng isang teammate ibinato niya ang bola sa mukha ni Mike.

  ‘Shit!’

  ‘Gago 'yon ah!’

  Natigil ang laban at nag-wild ang fans ni Mike. Agad na lumapit ang teammates ni Scott kay Mike. Mas mukhang ka grupo pa n'ya ang mga kasama ko. Inalalayan s'ya ni Mark at Scott papunta sa bench. Dinumog sila ng mga tao.

   Nagmadali akong bumaba sa kinauupuan ko at nilapitan sila. Malakas ang pagkakabato sa kanya kasi may marka ng pasa at dumudugo din ang ilong n'ya. Mas malakas pa sa naranasan ko.

  Hindi ko maiwasan na hindi maawa sa kanya. Syempre naging close din naman kami.

   A-Ayos na ako.. Salamat,” sabi n'ya sa mga tumulong.

   Big bro, 'don ka kaya muna saamin. Magpahinga ka muna..

  ‘Wait, hindi ako makasunod!’

   ‘So, si Scott at Mike ay magkapatid?’

   ‘Bakit hindi nila sinabi?!’

   Hindi naman kasi halata kasi Maxon si Scott at Mendez si Mike.

   Dinala si Mike nina Scott sa kotse at sumunod lang ako sa kanila. Natulog sa likod si Mike at 'don ako pinaupo ni Scott sa tabi ng kuya niya para raw mabantayan ko.

   ‘Ano kaya magiging reaksyon ng lalaking 'to pagnalaman n'yang nakatira ako sa bahay nina Scott?’

[̲̅T̲̅][̲̅O̲̅] [̲̅B̲̅][̲̅E̲̅] [̲̅C̲̅][̲̅O̲̅][̲̅N̲̅][̲̅T̲̅][̲̅I̲̅][̲̅N̲̅][̲̅U̲̅][̲̅E̲̅][̲̅D̲̅]...


Snow White and the Seven Hotties (EDITING)Where stories live. Discover now