Chapter 29

649 29 0
                                    

*~Avril~*

   HUMINGA ako ng malalim.. "K-Kailangan mong uminom ng gamot.."

   "Ayoko.." Pagmamatigas n'ya..

   "Paano ka gagaling nan.."

   "Kailangan ko lang magpahinga." He murmured. "Dito ka.." Sinenyas n'ya na tumabi ako sa kanya.

    Ano ba 'to?

    Daig pa ang bata..

    "Dito ka nga!" He shouted.. Kunot na kunot ang mga kilay n'ya habang nakatingin saakin pero wala akong makitang bakas ng galit sa mga mata n'ya.. Wala akong ibang magawa kung 'di sumunod. Binitawan na n'ya ang braso ko. Alam kong may pagkabayolente s'ya. Hindi ko maiwasang hindi matakot pagnagagalit s'ya na ganyan.

Flashqɐɔʞ

   Habang hinihintay ko si Jax, naupo muna ako sa bench. Napapadalas kami dito sa park simula naging kami.. Or should I say, pagkatapos 'nung dare..

   Pinapanood ko ang mga batang naglalaro sa damuhan. Nakakita 'din ako ng ilang aso kasama ang mga amo nila. Sayang hindi namin nasama si Max.. Mag-eenjoy s'ya dito..

   "Babe?" Napatingin ako sa kanya na may dalawang cotton candy sa magkabilang kamay. Nakangiti s'ya na lumapit saakin. "Pakuha 'nung susi sa bulsa.."

   Tiningnan ko muna s'ya at kumurap-kurap.. Saka ipinasok ang kamay ko sa bulsa ng black pants n'ya.. May nakapa ako na matigas..

Green monkey

   Inilabas ko ito at nakita ang isang swiss knife. Bumilis ang kabog sa dibdib ko. Bakit s'ya may kutsiyo sa bulsa n'ya?

   I gaze back to him. "Wala 'yan. 'Wag mong pansinin." Mahinahon na pananalita n'ya dahil sa nakita n'yang gulat na gulat ako. "Check the other pocket.."

  Lumunok muna ako ng laway bago ipasok ang aking kamay sa kabilang bulsa n'ya..

   Please walang cobra dito o kaya mouse trap..

   Nakapa ko na ang susi at inabot sa kanya. Nakahinga na ako ng maluwag pero hindi talaga maalis sa isip ko bakit may ganun s'yang dala..

End
Of
Flashqɐɔʞ

   Pagkahiga ko, siniguro ko muna na may distansya sa gitna namin. Hihintayin ko lang naman s'yang makatulog tapos--hoop..

   Hinila n'ya ako palapit sa kanya. Magkadikit ang katawan namin. Naipit ang dalawang kamay ko sa dibdib n'ya. Aatras sana ako pero niyakap n'ya ako ng mahigpit. Ramdam ko ang mainit na paghinga n'ya sa buhok ko. Kasalukuyang nakapikit s'ya at taimtim na natutulog.

   Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako tuwing naaalala ko 'yung kutsilyo sa bulsa n'ya, at kung paano s'ya sumisigaw pag-bigla s'yang nagagalit. Pero sa kabila 'nun, gusto ko ang pakiramdam na katabi s'ya. Alam kong protektado ako pag-s'ya ang kasama ko. At kumakalma ako tuwing niyayakap n'ya ako.

Snow White and the Seven Hotties (EDITING)Where stories live. Discover now