Chapter 57

485 18 0
                                    

*~Avril~*

   Hindi pwedeng magkamali. Boses ni Flynn 'yun..

   Nakita namin silang apat nakatayo sa pintuan. May ilang benda, band aid at konting galos sa katawan nila. Tumakbo kami palabas ang niyakap sila. Ganun din sina Keiton.

   "Masakit 'yung sugat ko!" sigaw ni Jax pero hindi namin pinansin at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.

   "Ano gang trip n'yo," singhal ni Joseph..

   "Akala namin namatay na kayo," Maxine pouted..

   "Akala ko din.."
    (=__=)

   "Huh?"

   "Hindi umabot 'yung huling bomba na ide-defuse. Hinintay nalang namin mag-zero para sumabog pero tumigil ang timer sa one second," pagpapaliwang ni Lucas. "Sinubukan naming makalabas ng mansion. Pagkalipas ng limang minuto sumabog ang bomba. Natamaaan kami ng mga tumalsik na mga kahoy at yero kaya dumaan muna kami sa hospital bago pumunta dito.."

    "Bakit hindi man kayo nag-text! Para hindi kaming mukhang mga sira iyak ng iyak at nag-aalala sa inyo!" usal ni Maxine..

   "Naiwan ko ang phone ko sa mansion," ani ni Flynn..

   "Ako din," dagdag ni Lucas..

   "Hindi ko ugali mag-text.."
   (=__=)

   "'Yung akin, hindi ko tanda kung saan ko nailagay. Pero baka nasa mansion din." usal ni Jax.

   "Ahh, so lahat kayo naiwan sa mansion ang cellphone. Si Joseph lang nakapagdala ng kanya pero 'di n'ya man lang tayo na-text.." Keiton glared.

   "E hindi ko nga ugaling mag-text.."

   'Yung message ko..

   Tumakbo ako sa kwarto at dali-daling hinanap ang phone ni Jax.

   Bilis! Baka makita n'ya kadramahan mo..

   'Nung nakita ko agad kong pinindot ang power switch pero 'di ito nabuhay..

    Deadbat..

    Anak ng tokwang puti!

    Naghanap ako ng charger sa bag ko. Nilibot ko ang mata ko para sa saksakan. Nakakita ako sa tabi ng kama. Lumuhod ako para magsaksak..

    Bakit hindi nagcha-charge?

    Walang kuryente dito?

    "Babe?" biglang pumasok si Jax sa kwarto. Hinigaan ko ang phone n'ya at ang charger na hawak ko kanina. "Bakit bigla ka nalang tumatakbo?"

   "Inaantok na kasi ako. Tutulog muna ako *yawn*.."

   "Sa sahig?"

    Anak ng t*nga..

   "N-Naglalaro kasi kami ni Max.."

   "Nasa kama si Max.."

    Anak ng puto!

Snow White and the Seven Hotties (EDITING)Where stories live. Discover now