*~Avril~*
"AVRIL!"
Napatingin ako sa veranda when I heard someone calling my name. I saw Lex climbing and jumping on the railings.
Tumayo s'ya sa tapat ng sliding door at tumingin saakin. "Good Morning..*hik*."
"What the hell?!" Pinagbuksan ko s'ya ng pinto at pinapasok. "Uminom ka?"
"Why do you ask?" pagpapatay malisya niya.
"Alam mo, walang taong nasa matinong pagiisip ang aakyat ng veranda na nasa second floor--ng gabi--na magsasabi ng good morning.." I point out. "At amoy alak.."
"I-It's four o'clock in the morning. Baka ikaw ang lasing.."
Bumuntong hininga ako. "Ano bang ginagawa ko dito?"
"Maling veranda ang naakyat ko.."
"E bakit ba kasi sa veranda ka dumadaan?"
"Kasi, alam mong walang taong hindi nasa katinuan na dadaan sa elevator papuntang second floor--ng madaling araw--na magsasabi ng good evening.." panggagaya n'ya.
"Ihahatid nalang kita sa kwarto n'yo." pagpiprisinta ko..
"Kaya ko ang sarili ko!" pagtanggi niya at nagsimulang maglakad palayo.
"Baka sa veranda ka nanaman dumaan.."
"Gusto mo lang atang makita si Jax.." Hindi ako nakasagot. "Kaya ko sarili ko. Goodnight!"
"Umaga na.." I corrected.
"Oo nga, epekto ng grape juice.." pagtukoy niya sa 'wine'.
"Banyo 'yan.." usal ko habang pinapanood siyang buksan ang pinto ng C.R.
"Makikibanyo lang.." pagpapalusot niya.
Napahinga nalang ako ng malalim saka bumalik sa kama. Nawala na antok ko dahil sa lalaking 'yun.
Hayystt..
Higit isang linggo na kami dito sa island, sa iisang bubong pero bihira kaming magkitang lahat. Simula 'nung gulo hindi ko na nakikita si Jax, Joseph at Maxine.. Isama na rin pala si Max.
Wala na din akong balita sa magaling kong ina..
Sarap magpakamatay..
Pinikit ko ang mga ko at sinubukan matulog ulit. Bigla kong narinig na bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Lex na hubo't hubad. "Wala ka bang towel sa kwartong 'to.."
Agad kong tinakluban ng unan ang mukha ko. "I will kill you, Lex!"
Rinig kong binuksan din n'ya ang cabinet ko. "Hindi ko nga pala kwarto 'to, walang akong damit."
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomanceEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...