Sunod-sunod na nagbukas ang mga pinto ng kwarto, front door kung saan dadaan sina Lucas galing Coffee Shop, at ang timer ng oven na gamit ni Flynn.
Lahat sila ay nagkaharap-harap sa kusina.
“Neil!” Sinalubong ni Lex su Neil hawak ang kanyang laruan. Parang siyang batang tumatakbo. Alam na niya kung ano ang gustong ipagawa ni Lex sa kanya kaya tinanggap na niya ito na walang kahit anong mang salita.
“Timing nga naman. Tara kakain na,” singit ni Flynn habang inaayos ang mga plato.
“Ayos na ako sa kape at doughnuts Maliligo muna ako,” sagot ni Lucas, at nagtungo sa kwarto Alam n'ya.
Bumaling naman siya kay Neil. “Ikaw?”
Umiling lang s'ya bilang sagot.
Nandoon na lahat maliban kay Jax at Lucas. Napakagat ng labi si Flynn at tumayo. “Tatawagin ko lang si Jax..”
Alam n'ya na malabo s'yang kausapin ni Jax pero gusto rin naman n'ya na matapos na ang ayaw, at magka-ayos na silang lahat
“Ako na,” prisinta si Neil, at nilisan ang dining room.
Flynn lips parted. “O-Okay,” he startled.
“Saan ba nakakabili ng generator?” iritadong tanong ni Lex tila init na init.
“Baka naman magkaroon narin ng kuryente mamaya.. Chill lang bro,” sagot ni Scott
“Hays..” Wala na ibang nagawa si Lex kung hindi sumang-ayon.
♠♥♣♦
The door swang open and Neil entered Jax's room. Halos mapatalon sa gulat si Jax sa ginawa ng pinsan n'ya. “Uso kumato,” aniya habang inaayos ang tayo.
“Hindi ko kailangan sumabay sa uso. I have my own ways,” walang emosyon na sagot ni Neil. “Kumain ka na 'don,” Neil said.
Jax looked at him confused. “Mamaya nalang. Hindi pa ako gutom.”
‘Such a pain in the ass..’
Neil sighed. “Hangang kelan ba 'yang drama mo?”
Lumapit si Jax sa kanya. “So you're telling me na dapat akong magsorry sa kanila?”
Umiling si Neil “Hindi..” Kumunot ang noo ng kausap n'ya tila hindi s'ya maintindihan. “Pinapakita mo lang na talo ka at ikaw ang mahina kung pilit mo silang iiwasan.." He paused. "Wala akong sinabi na mag-sorry ka kasi alam ko na ma-pride ka. Pero kung ayaw mo rin naman magmukhang talunan, edi lumabas ka 'don.”
He smirked. “Porket hindi sasabay sa kanilang kumain talunan na? E paano ikaw? 'Di ba palagi kang may sariling mundo..”
“Iba ang sitwasyon ko sa sitwasyon mo.”
“At iba rin ang utak ko sa utak mo,” usal ni Jax. Natigilan si Neil. “Kung gusto mo kumain, edi kumain ka na. Bababa ako paggutom na ako..”
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomanceEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...