*~Joseph~*
Napabalikwas ako sa kama 'nung naalala ko kung anong araw ngayon..
Shet.. Birthday nga pala ni Maxine..
Napatingin ako sa orasan..
8:07 a.m.
Tsk..
Nagmadali akong pumasok sa banyo at naligo. Tinanghali ako ng gising sa mismong araw pa na'to..
Simula 'nung sleep over nina Gorilla at Maxine, hindi na masyadong naiilang saakin si Maxine..
Nakatulong nga ata 'yung pagte-text sa kanya ni Jax..
Kinuha ko ang phone ko at tumakbo palabas. Kumatok ako sa kwarto ni Lucas pero walang nagbubukas kaya binuksan ko nalang ng akin..
Wala pala si Lucas sa loob..
"Huy, grandpa Jonex.. Nagmamadali ka ata?" Napalingon ako kay Keiton..
"Nakita mo ba si Lucas?"
"Hindi.. Baka pumasok kay super book.."
Abnormal talaga 'to..
"Ano bang kailangan mo sa kanya? Nandito naman ako a!"
Kumurap ako at binigay ang phone ko sa kanya.. "Kaya mo bang ipa-develop 'tong picture namin ni Maxine. Ito ang frame.." Abot ko sa kanya.. "Tapos padala nalang sa bahay niya mamaya para sa surprise birthday n'ya?"
"Oo ako pa!" Tumakbo ako palabas ng bahay. Alam kong nandoon na si Flynn, Scott, at Mike tulad ng pinag-usapan...
Si Lucas naman baka sumunod na 'din.. Naiwan dito si Keiton at Lex dahil hinihintay nila ang inorder na pagkain. Kahina-hinala kasi pag-doon dumiretso ang delivery guy..
Si Jax at Avril naman maagang umalis din dahil dinala nila si Maxine para ilayo muna sa bahay nila habang nagde-decorate pa sina Flynn..
Nag-drive ako papunta sa mga tita ko para kunin ang pina-bake ko na cake n'ya.
I want everything to be perfect for her 17th birthday. Malas lang dahil tinanghali ako ng gising.
Bumili ako ng bouquet of roses sa flower shop na malapit. Nilagay ko lahat sa likod kasama ang regalo ko sa kanya at dumiretso sa bahay ni Maxine.
Buti nalang binigyan pinahintulutan kami ng parents n'ya na gamitin ang garden nila.
Pagkarating ko, may apat na round table na may pink na table cloth sa ibabaw. May mga nilagay din si Flynn na mga bulaklak sa vase ng bawat table na naka-ayon sa color theme na pink, violet, blue and white.
May mga parang pompoms na nakasabit sa wire na kinabit din nila. Lahat kami nakabase din theme ang kulay ng damit.
"Tulungan na kita.." Lumapit sakin si Scott at kinuha ang unicorn cake saakin..
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomanceEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...