*~Avril~*
TINUTULUNGAN namin ni Jax, si Flynn na maghain sa mesa. Maya-maya nagbabaan na 'din ang mga ibang kasama namin.
"Flynn.. Hindi kami dito kakain. Pinapapunta kami ni mom sa bahay. Kakauwi lang daw kasi ni dad galing korea.." Usal ni Mike..
Flynn pouted.. "Ang dami ko pa namang niluto.."
"Nandyan naman si Maxine.." Dagdag ni Scott.
Nandyan pa pala s'ya..
"Ah.. Sige. Pasalubong ko ha.. Pasabi kay tito.." Sagot ni Flynn..
Nag-thumbs up ang dalawa at lumabas ng bahay. Nakaupo na kami at kumakain ng mga natira sa bahay. Rinig namin ang mahinhin na tawa ni Maxine mula sa taas. Bumababa sila ni Joseph ng hagdan at umupo narin.
"Hi Flynn! Namiss kita. Sa ikaw Lexie, Keitie, at Lulu!" Masayang bati ni Maxine.
"It's Lucas.." He corrected..
Maxine smiled back..
Habang kumakain kami, nagkukwentuhan sila nina Maxine habang ako, si Jax at si Joseph ay nakikinig lang sa kanila.
Tinulungan ko si Flynn dalhin ang mga pinagkainan sa lababo. Ako nagprisinta maghugas ng mga plato habang nag-iimis s'ya ng ginamit n'yang pangluto.
"Flynn.." Tawag ko sa pangalan n'ya..
"Mm?"
"Si Maxine ba? S'ya 'yung tinutukoy mo na tanging gusto makasama ni Joseph?"
He nodded.. "Mahal na mahal n'ya ang ex n'ya. Pero hindi ko alam kung 'mag-ex' parin ang status nila ngayon.."
Wahaha..
Edi nasagot ang tanong kung sino ang gusto n'ya makasama na hindi ako napilitan itanong pa kay Joseph..
Kusang lumalapit ang grasya..
"Flynn!" Pareho kaming napatingin sa pinto at pumasok si Maxine kabuntot parin ang alien n'ya. Nakipagbeso-beso pa s'ya saaming dalawa.. "Uuwi na ako.."
"It's getting late. Delekado na sa daan.." Usal ni Flynn habang nakatingin kay Maxine at kay Joseph..
Naalarma si Joseph dahil sa titig ni Flynn sa kanya. Nagkakaintindihan sila sa titig. Galing, haha..
"H-Hatid na kita.." Presinta ni Joseph..
Napahawak sa noo si Flynn. Mukhang hindi 'yun ang sinabi n'ya sa titig language.. "Dito ka na matulog.." Aniya..
Napatingin kaming lahat kay Joseph na parang gulat na gulat.
"Ayos lang ba sayo?" Tanong ni Maxine sa tulalang alien..
Kumurap ng ilang beses si Joseph.. "Ah-sige.. Umalis naman sina Scott at Mike. Magpapaalam nalang ako kung pwede ko gamitin ang kwarto nila. Tapos 'dun ka nalang sa kwarto ko.."
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomanceEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...