KINUHA ni Aldrin ang tinapay galing sa bread toaster, at ang peanut butter sa shelf. Binuksan niya ang television sa sala. Nagpapalaman siya habang nakikinig sa balita.
“Isang nurse sa MIH hospital, ay natagpuang nakagapos sa isang silya sa lumang gusali na dati'y eskwelahan. Kalahating linggo na raw siya sa lugar na 'yon. Iniwan siya ng mga lalaking nagdala sa kanya sa naturing lugar, at hindi na binalikan. Isang batang babae ang nakakita sa kanya, at tumulong para makatakas siya.. Hindi namukhaan ng biktima ang mga suspek.”
‘Ano?’ He thought..
Napatingin siya sa screen, at nakita ang mukha ng private nurse ni Neil.
‘Akala ko, may sakit siya kaya hindi muna niya mababantayan ang kapatid ko..’
Kinuha niya ang phone niya, at agad na kino-tact ang pamilya nito.
“Hello, sino po ito?” tanong ng babae sa kabilang linya..
“Si Adrin 'to.. Napanood ko kanina sa balita―”
“Tungkol ba 'don? Ayos lang naman ako ngayon..”
“Sabi ng kapatid mong babae, 'yong intern, may sakit ka daw kaya hindi mo maalagaan si Neil, so she took your place..”
“Ha? Wala akong kapatid na babae.. Lalaki lang, pero intern din siya.. Saka hindi ko alam na kailangan ako ni Neil. Anong nangyari sa kanya?”
‘Edi sino 'yong babaeng pinapunta ko kina Neil?’
‘Ow, fuck!’
“Aldrin? Nandyan ka pa ba?” tanong ng babae sa kabilang linya..
“Mamaya na lang ako tatawag ulit.. Ingat..” He ended the call..
Kinuha niya ang jacket, at susi sa mesa at nagmadaling lumabas ng bahay. Dumiretso siya sa mansyon nina Lex.
Kumatok siya sa pinto, at pinagbuksan agad siya ng isa sa mga kasambahay sa lugar.
“Manang, sino 'yan?” sigaw ni Lex..
“Si Aldrin!” sigaw ng binata.
Dumiretso siya sa dinning room kung saan kasalukuyang nagaahan ang nga pinsan niya.
“Where's the intern?” Nagmamadaling tanong niya..
“About that―pinalayas siya ni Neil kahapon,” sagot ni Lucas..
“What? Why?” he asked.. “Doesn't matter.. May nangyaring masama kay Neil?” Nag-aalalang tanong niya..
“H-Ha? Bakit biglang nag-aalala ka ata?” tanong din niya..
“K-Kasi―mali 'yong pinapunta ko dito. Hindi siya 'yong kapatid ng private nurse namin..” Nauutal siya..
Pumasok si Jax ng bahay, at napadaan sa dinning room. Narinig niya ang pinag-uusapan ng mga binatang nagkakagulo..
“Wait! Ibig sabihin nagpapasok ka ng nurse wannabe sa bahay namin?! Hindi mo siya kilala?” Gulat na tanong ni Lex..
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomansaEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...