*~Avril~*
DAHIL init na init na ang mga kasama ko sa bahay.. Nag-aya nanaman ng pool party.. Tapos si Scott at Mike naman ay nasa grocery store bibili ng ice cream.
Sabi ni Lex bilhin na daw nila lahat ang laman ng freezer. Ganun sila katakaw..
At ice cream tapos swimming?
Hindi kaya samaan sila ng lasa 'nun?
Ayaw nila mag-ihaw ng barbecue dahil mainit daw magbantay tapos lalo daw iinit dahil ninipis ang O-zone layer pagnagpa-usok pa sila..
Naglalaro na sila sa pool parang mga bata. Hinihintay ko pa si Jax, papaliguan daw n'ya muna si Max. Sobrang init kasi tapos ang lago pa ng balahibo n'ya. Sanay pa 'yun na naka-aircon kahit mag-isa s'ya sa kwarto..
Mahal na mahal s'ya ng amo--este daddy daw n'ya..
Heheh..
"Arff.." Rinig kong may tumahol mula sa likod. Napatingin ako kung saan iyon nanggaling. Nakita ko si Max papunta sa direksyon ko. "Come to mommy.."
Sinakyan ko na talaga ang pagiging mommy..
Masagwa ba?
Mahilig din kasi ako sa hayop. Lalo na sa aso.
('∧__∧`*)
"Mommy?" I heard someone chuckling nearby..
Napalingon ako..
Oh.. It's grandpa..
Lumapit s'ya kay Max at hinaplos ang ulo ito. Tuwang-tuwa ang anak kong aso habang nakikipaglaro sa kanya..
Cute nila..
Naalala ko 'yung first time kong nakita maglaro din ng ganyan si Jax at Max. Iisipin ko talagang anak n'ya 'yun. Magkakulay pa kasi sila ng mata.
At Jax and Max ang pangalan nila. Magkatunog pa.. Sinandya din ata isunid sa kanya 'yung pangalan ng anak n'yang aso..
"Ang laki mo na.." Sabi ni Joseph kay Max. Malamang matagal na n'ya hindi nakita 'yung aso dahil palagi nga s'yang tulog. *smirk* "Why are you smirking?" Tanong n'ya bigla. Napatingin ako sa kanya..
Seriously? Nakita n'ya 'yun kahit hindi n'ya inaalis ang mga mata n'ya kay Max..
Si Max ba tinatanong n'ya?
No.. Hindi ko ma-imagine na mag-smirk si Max..
Medyo basa parin ang balahibo n'ya at nagpagpag pa sa harap ko. "Ow.." Napalayo ako ng konti.
Bad dog! Isusumbong kita sa daddy mo!
"Daddy?" He chuckled. I snapped out of my thoughts. Did I said it out loud?
"S-Sino pa ba edi 'yung amo n'ya na may pakana ng mommy at daddy.."
"Si Jax?" He laughed. Umupo s'ya sa simento at umakyat naman si Max sa kanya at humiga sa hita n'ya.. "Mommy and Daddy, huh.."
Uminit ang buong mukha ko at nag-smirk lang s'ya..
Bumaling ulit s'ya kay Max. "You're having fun with your new daddy and mommy, aren't you?"
"Arff.."
Minsan napapa-isip ako kung naiintindihan talaga kami ng asong 'to, o trip lang n'ya kumahol pagnagsasalita na kaharap s'ya..
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomansaEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...