Chapter 13: Sleeveless

877 43 0
                                    

  INAYA ako ni Lyn na sumama sa kanya sa Mall. On the way na kami. Siya ang nagda-drive ng Subaru n'ya. Napansin ko, lahat pala sila ay may sariling mga kotse. Pagnaligaw ka sa garahe nila, akala mo nasa car show ka. Lahat sila ay may mamahalin na kotse at mukhang madalang lang nila gamitin dahil mukhang bagong-bago pa. Bukod 'don hindi sila masyado lumalabas.

   May kapatid ka bang lalaki? O bestfriend? Or maybe boyfriend? Parang natural na sayo makisalamuha sa lalaki, tanong ng kasama ko habang patuloy na nagmamaneho.

   W-Wala.. Only child ako, at si Scott ang former boy-bestfriend ko 'nong hindi pa ako lumilipat ng school. Pero halos babae ang kaibigan ko.

   Paano kayo nagkakilala ni Scott?

   Napatawa na ako, naiisip ko palang. Hindi ko makakalimutan 'yong unang beses ko s'ya makita. Tuwing naaalala ko 'yon natatawa ako bigla.

Flashqɐɔʞ

   Ano ba 'yan naiihi na ako!

   Nasan ba ang banyo sa lugar na 'to?’

   ‘Haysst!

   ‘Naturingang private! Wala namang banyo!

   ‘Tsk.. Wala bang mapa ni dora o layout copy ng mga buildings dito? 'Yong bigla nalang sasampal sa mukha ko!

   *BLAAGG*

   Napaupo ako sa sahig 'nong biglang may matigas na tumama sa mukha ko. Hinihilot-hilot ko 'yon para mawala ang sakin.

   Miss! Sorry, walang direksyon 'yong pagpalo ko ng baseball kanina. Nagte-training palang kasi ako―Shoot! Anong nangyari sa ilong mo?

   Bakit? Hinawakan ko ang ilong ko, at may nakapa akong liquid. Nong makita ko ang bakas nito sa kamay ko..

   ‘Dugo!’

   Tara dadalhin kita sa clinic..” Hinila niya ako patayo, at mabilis na tumakbo. Parang nakasabit ako sa jeep.

   Nakarating agad kami sa harap ng clinic. Pero dahil kinamumuhian ako ni lady luck, wala daw nurse ngayon.

   Aarrggh!

   ‘Ang sakit ng ilong ko!

   ‘Ngalay na ang leeg ko!

   ‘Why?

   ‘'Di ba nakatingala pagnadugo ang ilong. Pinapaatras daw ang dugo. Kaya kanina pa ako nakaganun.

   Dapat gumawa din sila ng napkin 'yong for nose size..

   Pano na?” tanong ko sa kanya.

   Ako ang magsasagawa ng first-aid. Wish me luck, wish you safe..” Hinila ulit niya ako sa ibang direksyon.

Snow White and the Seven Hotties (EDITING)Where stories live. Discover now