Chapter 80

497 24 2
                                    

*~Avril~*

   "AGAD? Hindi naman ata kayo mukhang excited no?"

   "Shut up, Riri. Mag-impake ka nalang," usal ni Keiton saka lumabas ng kwarto.

   Kahit inaantok pa, bumangon na ako dahil nahuli na daw 'yung mga gangster kaya safe na kami makabalik. Simula daw ng insidente, nagkalat na daw ang mga police para hanapin ang mga 'yun at malaki ang pabuya ng mga magulang ng mga kasama ko dito para sa kaligtasan namin.

   Lilipat nanaman kami sa bahay--mansion nina Lex. Maraming bahay kasi mayaman nga e.. 'Yung yaman ng anim na pinsan n'ya at ako katumbas ng yaman ng lalaking 'yun kaya 'wag na magtaka kung bakit spoiled minsan 'yun.

    Pwede namang bukas na kami lumipat. Bakit ba nagmamadali sila?

   Hayyst..

   May susundo na agad na private airplane. Hanep nakaraan lang motor tas kotse tas yate tas ship tas helicopter tas airplane. Hindi naman ako nag-aassume na spaceship na ang sunod.

   Dahil wala bababaan ng eroplano dito pupunta pa kami sa syudad. Pwede naman kasing sunduin nalang kami ng van or kotse galing sa yate katulad nung nakaraan. Extra-OA lang talaga ang pamilyang Zaldivar.

  Nahihilo pa naman ako sa sobrang chocolate na nakain ko kagabi.. Si Alien Sr. kasi!

   8:34 a.m.

  Nagmadali akong sumakay sa yate dahil lahat daw sila ay nandoon na.

   "Lola naman e! Upuan ko 'yan pero pinaupo mo pa sina Rosalinda.."

   "Mahihiluhin sila sa byahe kaya hindi sila pwedeng ilayo saakin." Boses ni Aling Betty..

   "Kuya Zeph, sayo na nga lang ako tatabi."

   "It's already reserved.."

   "Nino?"

   "Her," pagturo n'ya saakin pagkarating ko.

   "Eh?" gulat na reaksyon ni Keikei..

   Pinalo niya ang upuan. "Dito ka," senyas niya saakin.

   Hindi nalang ako sumagot at umupo sa tabi n'ya..

   "What the?!" sigaw ni Keiton pero nginitian ko lang siya kaya lalo siyang naguluhan.

   "'Dun ka na nga, ang ingay mo.." Pagtataboy ni ng katabi ko sa kanya..

   Naglakad siya paalis habang nakatingin parin sa amin. 'Nung makalayo siya humarap ako kay Alien Sr. "Alam mo itigil na natin 'to ramdam kong hindi maganda kalalabasan nito."

   "Hindi pa nga nagsisimula.."

   "Magkaka-migraine ako dahil sayo.."

*~Jax~*

   Hayystt, bakit naman kasi biglaan ang lipat. Hindi na ako nakatulog ng maayos kagabi..

Snow White and the Seven Hotties (EDITING)Where stories live. Discover now