*~Avril~*
TUMAWA ulit s'ya saka hinawakan ang pisnge ko at inangat ang mukha ko dahilan para magtagpo ang mga mata namin.. Ngumiti s'ya saka lumabas ng banyo..
Huminga ako ng malalim habang na babasa parin ako ng tubig mula sa shower sa kinakatayuan ko..
Napapikit ako habang nakangiwi..
Ano bang pinaggagawa ng lalaking 'to saakin?
ⓚⓘⓝⓐⓑⓤⓚⓐⓢⓐⓝ
Dahil sa pinaggagawa n'ya, hindi ako nakatulog ng maayos dahil katabi ko s'ya. Tinulungan ko nalang sa kusina si Flynn para sa agahan..
"Hoy, is everything okay?" Napatingin ako kay Flynn nung nagsalita s'ya..
I nodded.. "Oo naman.. Ayos na ayos.."
"E tingnan mo nga 'yung sibuyas na ginagayat mo.. Mas maliit pa sa maliit.." Turo n'ya sa sangkalan.. "Kanina ka pa tadtad ng tadtad parang karneng baboy 'yan tapos tulala ka pa sa kawalan.."
Napakurap ako.. "Ganun ba?"
Bumuntong hininga s'ya habang nakasandal sa may lababo at naka-cross arms pa 'yun.. "Ano nga sabing problema?" Pag-uulit n'ya.. "Kay Jax ba 'yan?"
Umiling-iling ako.. "H-Hindi no.."
"Tsk tsk, sinabi ko na ba sayo na wala ka talagang talent sa pagsisinungaling?"
"Palagi naman.." I pouted..
"Basta pag-may problema kayo, nandito lang ako. 'Wag kang mahihiyang magsabi ha.."
Tumango nalang ako bilang ganti..
"Babe.." Rinig ko ang boses ng lalaki papunta sa kusina..
Ito nanaman s'ya..
Tumalikod ako kunwari 'di ko s'ya narinig at pinagpatuloy ang pagpaslang ko ng sibuyas. Lumapit s'ya saakin at niyakap ako patalikod..
"Ang aga mo naman nagising.."Hindi ako sumagot..
"Uyy.. Galit ka ba sakin dahil 'dun sa kagabi?" Pinatong n'ya ang baba n'ya sa balikat ko..
"Nako! Shoo! Alis! 'Yang ka-sweetan n'yo ay hindi pwede sa kusina ko. Baka langgamin ang mga niluluto ko.." Sabi n'ya habang tinutulak kami palayo ng kusina.. "Bilis! Bago mandilim ang paningin ko at tadtarin ko kayo ng buong-buo katulad nung nangyari sa sibuyas!"
Jax chuckled.. "Tch, palabhasa matandang dalaga.."
Tinutukan s'ya ni Flynn ng kutsilyo.. "Anong sabi mo?" Biglang lumalim ang boses n'ya..
"Uy.. Joke lang.. Haha.." Tumakbo palayo su Jax habang hila-hila ang braso ko..
Sana nagpatadtad nalang ako kay Flynn..
(╥____╥')
"Tara sa kwarto.."
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomanceEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...