*~Avril~*
NAKAKAPAGTAKA, bakit iba ang kinikilos nina Jax?
Oo, magka-away parin kami pero kinakausap na naman n'ya ako kanina. Si Alien naman sadyang abnormal, ano pa ba aasahan ko. Pero si Keiton talaga ang pinaka-weird ang kinikilos kanina pa.
Bigla kaming iniwan ni Maxine tapos nakita namin s'ya kasama 'yung girlfriend n'ya na hindi naman n'yang binanggit na meron s'ya. At hindi pa n'ya pinakilala saamin, kahit nickname man lang. Tapos umalis silang dalawa tapos bumalik mag-isa si KeiKei na parang may humahabol sa kanya o kaya may tinataguan s'ya.
Tapos ngayon, umalis silang tatlo. Hinatid lang nila kaming dalawa ni Maxine sa bahay tapos umalis na din sila. Ngayon lang naman sila nagsama-sama sa isang lugar dahil kahit kelan hindi nagiging matino ang usapan pag-si Keiton at Jax ang nagsama.
Bakit kailangan pababain muna kami ni Maxine saka sila pumunta sa kung saan man sila pupunta..
=______=
May tinatago ba sila saamin?
"Are you having your period again?" tanong ni Scott..
Bumalik ako sa reyalidad at napatingin sa kanya.. "H-Ha? May sinasabi ka?" wala sa sariling usal ko.
"Ang moody mo, baka may monthly period ka nanaman."
"W-Wala," matipid na sagot ko.
"Bakit tulala ka tas nagta-touchdown 'yung mga kilay mo."
"May iniisip lang ako."
"I want to help but--ang alam ko lang na cool down ay stretching after--"
I chuckled, "It's okay.. Wala lang 'to."
"Ah," tumango nalang s'ya saka pumuntang kusina. Pero bago s'ya pumasok sa pintuan, lumingon muna s'ya saakin. "May gusto kang kainin?"
"Busog pa ako.. Thank you nalang."
"Okay.."
*BLAAGG*
*TSSHHKK*
*TSSHHKK*
Sunod-sunod na tunog na may nabasag galing sa kusina. Mamaya lang, lumabas ng kwarto si Flynn at nagmamadaling bumaba ng hagdan.
"Scott!" sigaw n'ya.
Highblood ang lola mo..
"S-Sorry.."
"Hindi ka kasi nag-iingat!"
"Binuksan ko lang 'yung cabinet biglang naglaglagan ang mga 'yan."
"Paglilinisin mo pa ako nan."
Rinig ko ang sigawan sa kusina sa kinauupuan ko.
Napabuntong hininga ako..
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
Storie d'amoreEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...