Chapter 70

418 12 0
                                    

*~Jax~*

   "MAGPAPA-ABOT ba talaga tayo ng umaga dito?" napabaligwas ako 'nung marinig ko ang boses ni Avril.

   "Nakatulog ako?" tumingin ako sa paligid. Kinuha ko ang phone ko nakita ko na malapit na mag-four o'clock. "Bakit hindi mo ako ginising?!"

   "Ang sarap ng tulog mo. Nagkukwentuhan tayo tapos tinulugan mo na pala ako."

   "Tapos na 'yung party ko!"

   T___T

   "Ano bang drama 'yan Mr. Caxton!" natatawang usal n'ya.

   "Tapos na 'yung party ko, babe!"
  
   "Para kang bata!" she giggled. "Edi magse-celebrate ulit tayo mamaya!"

   "Ala, hindi na special. Hindi na 'yun birthday ko." I pouted.

   "S'ya tara na nga! Haha," aniya. "Tulog ka ng tulog e.."

   "'Di mo naman ako ginising.."

   "Nakatulog din naman ako."

   "Tara na nga!" usal ko at hinila s'ya papunta sa maliit na yate sinakyan namin kanina.

   Buti marunong ako magpatakbo ng ganito. Haysst..

   ---

   "Malapit na tayo," ani ko..

   "Oo nga," matamlay na sagot n'ya. Nanggilid ang luha sa mga mata n'ya habang nakayuko s'ya.

   "Why are you crying?" nag-aalalang tanong ko..

   Napatingin siya saakin. "W-Wala," sagot n'ya at pinunasan ang luha sa mata niya. "Baka ito na 'yung huli," she beamed a fake smile..

   "Huli?"

   "Ang ibig kong sabihin--baka 'yun na ang huling beses na makapunta ako 'dun sa secret garden.."

   Napangiwi ako, "Parang 'yun lang iniiyakan mo? Pwede naman tayong bumalik kung kahit kelan mo gusto.."

   She glared, "Ikaw nga paiyak na dahil hindi ka nakaabot sa birthday mo!"

   "Nagbibiro lang naman kasi ako 'nun.."

   "Palusot pa!"

   "Oo na 'di na po ako lalaban, pikon ka naman.."

   "Sinong pikon?" tanong n'ya saka tinusok ng daliri n'ya ang tagiliran ko..

   I chuckled, "Ikaw.." pang-aasar ko..

   "Tse!"

   Natatawang bumaba ako sa yate at inalalayan siya pabalik sa cottage. Halos patay na ang mga ilaw at nagkalat ang mga ginamit kanina, I mean kagabi para sa party ko.

Snow White and the Seven Hotties (EDITING)Where stories live. Discover now