Chapter 92

467 10 2
                                    

*~Neil~*

   "BITAWAN N'YO ako!" pagpupumiglas ko.

   "Ano bang nangyayari sayo?!"

   "Hinayaan n'yong umalis si Avril!" sigaw ko.

   Nabitawan nila ako. Pumunta agad ako sa labas at inistart ang motor ko.

   Baka ito na ang sinasabi ng kaibigan ko..

   Mababaril patalikod ang isang taong malapit saakin..

   Avril..

   Jax..

   Natanaw ko ang kotse na sinasakyan ni Avril. Nilagpasan ko lahat ng ibang sasakyan ngunit masyado s'yang malayo..

   Bakit nasa akin ang phone ni Jax?

   Hindi ko naramdaman na nilagay saakin ni Jax 'nung magkasama kami. At imposible din dahil malaki ang distansya namin habang naglalakad.

   Ang tanging nakakalapit saakin ay si---Avril..

   Ilang oras siyang naiwan sa bahay..

   Siya nagbanggit tungkol sa isa pang number ni Jax..

   Sinabi niyang nakakaiba ang ikinikilos ko sa mga kasama ko para idiin ako..

   May hinahanap siya kanina sa gamit ko..

   Saan s'ya pupunta?

   Kasabwat ba s'ya ng mga--?

   Pero..
   
   Biglang nag-red ang stop light, nag-iba ng direksyon si Avril, nawala na ang kotse sa paningin ko..

   Pagkalipat sa kulay green, hinarurot ko ang motor ko. Hinanap ko kung saan direksyon maaaring dinaanan niya.

   Asan ka na ba?

   Natanaw ko ulit ang kotse papunta sa abandonadong gusali. Huminto ang kotse niya sa tapat nito. Nag-park ako ilang kilometro ang layo. Nakita kong pinapasok agad si Avril ngunit may mga look out kaya hindi agad ako makakapasok.

   Dalawa ang madadaanan at parehong may nakabantay. Mukhang mga teeanager lang sila na nakatambay doon. Para magmukhang hindi kahina-hinala sa iba.

   Pinili ko kung alin ang mas mukhang baguhan at naglakad na kunwari nananabihan sa naturang gusali.

  Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nag-missed call kay Lucas para ma-trace niya kung nasan ako..

   It's going to be easy and quick..

   "Excuse me, may alam ka bang malapit na pagawaan dito sa sasakyan?"

   Tinatamad na lumingon ito saakin, "'Dun sa pangalawang kanto lumiko ka--"

   "Wait I'm not good at directions. Can you please write it?" Nag-abot ako sa kanya ng papel at ballpen..

Snow White and the Seven Hotties (EDITING)Where stories live. Discover now