*~Jax~*
"TSK, ano ba naman kasing naisipan ng girlfriend mo biglang nag-aaya ng double date?" Padabog na punta ko sa banyo ng mga lalaki.
"Malay ko, dapat natutulog ako ngayon," tinatamad na sagot ni Zeph habang sumusunod saakin.
Ang mga babae at si Keiton ay nagsha-shopping pa. Pano naging double date 'yung sila lang nag-eenjoy?
Binasa ko ang stain ng spaghetti sauce sa long sleeve ko sa sink saka pumasok sa isa sa mga cubicle. I closed the toilet seat at umupo 'dun.
"Zeph," tinatamad na tawag ko sa pangalan n'ya.
"Mm?" Sagot n'ya mula sa kabilang cubicle.
"Kaya na ni Keiton 'yung mga babae, umuwi na tayo."
"Tsh, hahanapin nila tayo.."
"Ite-text ko si Keiton," usal ko. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at nag-compose ng message.
Rinig ko ang pagbukas-sara ng ibang pinto ng cubicle. Ilang minuto na ang nakalipas hindi parin nagre-reply si Keiton.
"Ano na?" tanong ni Zeph..
"Hindi nga nagre-reply.."
"Tawagan mo na kaya."
I dialed his number..
"Sorry hindi ako maka-reply kanina, hawak ko 'yung mga shopping bags nila Maxine. Gumawa nila akong taga-bitbit," usal ni Keiton..
"Bakit naka-speaker pa?" tanong ni Zeph sakin..
(◎__◎ )?
"Nagda-dial palang ako ng number n'ya," sagot ko..
"Ha?"
"Nasa kabilang cubicle ako mga ugag!" singit ni Keiton..
Ow..
"Bakit ka nandyan?" tanong ko..
"Tumakas, malamang.."
"Iniwan mo 'yung dalawa?"
"Hindi na sila bata," singit Zeph. "Tara na kanina pa ako inaantok."
"Sabihan n'yo 'yung dalawa na uuwi na tayo." dagdag ni Keiton.
"'Wag na, saka ko na ite-text kapag nasa bahay na tayo."
They laughed..
"Mamaya na natin tanggapin 'yung sermon."
"Suyuin nalang natin mamaya," usal ni Zeph.
"ANO BA!? UNA PANG LALABAS 'YUNG DUMI KO KESA SA INYO!"
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomanceEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...