Chapter 113

449 12 13
                                    

   “AVRIL, HAPPY Birthday!” bati sa kanya ni Maxine. Lumapit siya sa nakababatang kapatid, at niyakap ito ng mahigpit.

   “T-Thank you,” Avril simply replied..

   Maxine frowned.. “Bakit nakasimangot ka? Ang ganda-ganda mo nga ngayon..”

   “Wala si Neil, and wala na akong dad na isasayaw ako..” Walang ganang usal niya..

   “Nandyan pa naman sina Lucas, si Mike, saka alam ko susunod si Danny,” pangungumbinsi niya..

   “Still―parang may kulang..” Avril frowned..

   Hinawakan ni Maxine ang balikat ni Avril.. “You know what? Kapag nagising si Neil, mag-arrange kami ng party para sa inyo!”

   “Pero paano kung―hindi siya nagising?” tanong niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na magigising si Neil, o magiging ligtas pa ba sa binata kung mabubuhay pa siya..

   “He will! 'Wag ka ngang nega! Hindi bagay sayo!” Maxine commented.. “Hindi mamatay si Neil! Nabaril na nga tapos nabuhay pa!”

   “Paa lang naman kasi niya ang nabaril.. Iba ngayon, buong katawan..” She pointed out..

   Umiling si Maxine.. “Haysst! Mabubuhay pa nga si Neil! Meron 'ding nakakaligtas sa third-degree burn 'no!” She sighed.. “Tara na, baka hinihintay ka na nila sa labas. Malapit na mag-six PM..”

   Lumabas silang dalawa sa rest house. Hinanap nila sa bawat kwarto, kung nasan si Fergie. Biglang nabali ang takong ni Avril, at napakapot siya kay Maxine.

   Maxine sighed.. “Haysst.. Sabi ko sayo hindi pwede sayo ang pointed ang heels.. Umupo ka muna d'yan, ikukuha kita ng sapatos 'don sa rest house.. Maputikan pa 'yang lavender gown mo..” 

   Avril pouted.. Wala siyang ibang nagawa kung hindi umupo sa bench. Malayo-layo parin sila sa mismong venue kanya wala masyadong tao.

   Napabuntong-hininga si Avril, at napayuko nalang siya habang naghihintay.

   May lumapit sa kanya na lalaking naka-uniporme na kulay peach.

   “Pinapatawag ka na ni Miss Fergie,” usal ng lalaking may malalim na boses.

   Tumingala si Avril, at napatingin sa lalaki. “Kumukuha lang po ng sapatos si ate..”

   “Hindi mo na kailangan 'non..” He grinned..

🃏🃏🃏

   Pumasok si Aldrin sa Intensive Care Unit, at tumayo sa tabi ng kama ni Neil.

   “Kailangan ko pang magmakaawa sa nurse na papasukin ako kahit hindi visiting hours. Kasalanan naman nila kaya hindi ako nakapunta dito kanina..” Singhal niya, habang kinakausap ang walang malay na kapatid. “Debut na ni Avril ngayon, dapat kasama daw tayo sa eighteen na sasayaw sa kanya, pero alangang iwan kita dito. Nakaka-guilty na isasayaw ko siya tas ikaw hindi.” He smirked.. “Last dance ka pa naman naka-reserve. Ikaw kasi, minsan nalang lumabas arawan nasunog ka agad. Bampira ka ata..” Biro pa niya..

   Hinila niya ang upuan, sa tabi ng kama ni Neil. Umupo siya, at napatingin sa nakababatang kapatid.

   “Ano bang plano mo, hindi ka pa magising? Napakatakaw mo naman sa gulo. Pangalawa na 'to na binabalik-balikan kita sa ICU.” Napabuntong-hininga siya.. “Hindi pwedeng hindi magigising! Ikaw mokong ka! Kahit kelan sakit ka sa ulo!” Tinanggal niya ang mask niya. He beamed a weak smile.. “Pag-hindi ka nagising iisipin ko talaga na tinaghana ata akong mabuhay mag-isa o baka sadyang hindi tayo binigyan ng mahabang buhay..” Napayuko ang binata, at kumapit sa railings na nakapalibot sa kama niya.

Snow White and the Seven Hotties (EDITING)Where stories live. Discover now