⚠WARNING⚠
THIS CHAPTER MAY CONTAIN SOMETHING THAT MIGHT TRIGGER AN INDIVIDUAL. THE DARK JOKES ARE NOT INTENTIONALLY WRITTEN TO OFFENSE ANYONE. PLEASE DON'T TAKE IT SERIOUSLY..
*~Neil~*
"AALIS NA ako," usal ko.
Hindi siya sumagot.
Hayyst..
Hangang ngayon ba naman..
"Hoy--!"
"'Wag mo nga ako ma-hoy-hoy," mataray na sagot niya..
"Aalis na ako," paguulit ko..
"Edi umalis ka! 'Wag kang mag-alala, pag-uwi mo patay na ako," usal niya habang nakatingin sa malayo..
Aarrggh!
Huminga ako ng malalim.. "I-lock mo ang mga pinto. 'Wag kang mapapapasok ng kahit sino.."
Hindi siya sumagot..
"Hoy, nakikinig ka ba?"
"'Wag mo nga akong tawaging hoy!"
=___=
Kagabi pa 'tong ganito kaligalig..
Simula nagkasagutan kami 'nung umaga, nagmamataray na..
"Uuwi ako mamaya--"
"Pakelam ko.."
Hinila ko siya at hinaharap saakin. "Ano ba?! Kagabi ka pang ganyan! Male-late na ako dahil sayo. Nakaalis na sina Lex kanina pa.."
"Edi umalis ka na!"
Binitawan ko siya at padabog na sinara ang pinto..
Mga babae talaga!
Kahit kelan hindi nawalan ng drama sa buhay..
Ni-lock ang pinto ng mansion at dumiretso sa garahe para kunin ang motor ko. Hinarurot ko ito hangang makarating sa parking lot sa school.
Pagkababa ko, agad akong tumakbo agad ako papasok ng campus. Halos lahat ng estudyante ay nasa kani-kanilang room na.
Napatingin ako sa relo ko..
8:20 a.m..
Mag-iisang oras na akong late, unang araw pa naman ng pasukan.
Patapos na ang first period..
Si Gorilla kase!
Pagdaan ko sa hallway, binuksan ko ang locker ko para kunin ang mga gamit ko pati ang schedule.
Hinanap ko ang room na sinabi ng kaibigan ko kahapon. Pagbukas ko ng pinto, lahat ng mata ng mga kaklase ko ay nakatingin sakin.
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomanceEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...