Binuksan ni Avril ang sliding door papuntang veranda. Sumalubong sa kaniya ang malakas na hangin. Lumipad ang buhok niya kasabay ng simoy ng hangin. Malapit na sumikat ang araw.. Ipinikit niya ang mga mata niya at bumuntong-hininga..
"Ay, may pa-veranda effect!" bilang sumulpot si Flynn na kanina pa pala siya pinapanood.
Gulat na napaharap si Avril sa kanya. "Epal ka din e, feel na feel ko na nga ang hangin," natatawang sagot ng dalaga.
"Psh, naninigurado lang baka 'yang papikit-pikit mong 'yan diretso palang suicide." Lumapit siya sa tabi ng kasamang babae.
"Anong tingin mo saakin, magpapakamatay sa ganitong veranda?" Hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi ni Flynn. "Wala sino man ang kayang magpakamatay sa ganitong kagandang view." she thought.
"Malay ko ba kung suicidal ka o hindi! Baka na-depress ka kanina tas gusto mo na matyugi for good!"
She laughed, "Hindi 'no! Mahal ko kaya ang sarili ko."
"Pero mas mahal mo s'ya.."
Nag-iba ang ihip ng hangin 'nung sinabi ni Flynn ang linyang iyon.
"Mas mahal kita!" pag-iwas ni Avril sa tanong. Nagulat si Flynn at natulala. "Joke lang, alam ko namang hindi katulad ko ang tipo mo. 'Yung mga malaki ang katawan na lalaking-lalaki," she winked..
"Hindi nga sabi ako bakla!" Galit na sigaw niya.
Humagalpak ng tawa si Avril. "Niloloko mo ba ako? Kung magsalita ka nga baklang-bakla.."
"Hindi nga ako bakla!" Lumapit siya kay Avril.
"Kayabang, deny mo lang. Tanggap naman kita e.." She said between her laughs..
He cornered her, "E anakan kaya kita? Ilan gusto mo, isang dosena?"
She pushed him away, "Nakakasura ka, paginaasar ka ng mga pinsan mo nakikipagsagutan ka lang tas kapag ako biglang nagiging lalaki ka.."
Umiwas ng tingin si Flynn.. "Nakakainsulto pag-ikaw ang nagsasabi.."
"Patunayan mo muna kasi, para maniwala ako," hamon ng babae..
"Sige, anong gusto mong gawin ko?" matapang na pagtanggap ng hamon ni Flynn..
"Pakiligin mo si Eunice.."
"Alin 'yung cook dito?"
"Oo," she laughed..
Napingiwi siya. "Bakit s'ya, pwede namang ikaw nalang e?"
"Baka kung anong isipin ni Jax.."
He rolled his eyes. "So? Break na kayo di'ba.."
She pouted, "Kahit na! Baka isipin n'ya lumlandi na agad ako."
"Hayss.. E ayoko nga kay Eunice!"
"Bakit, mabait naman s'ya?"
"Mabait ka din.."
"Maganda s'ya.."
"Maganda ka din.."
She frowned, "Bading ka kasi kaya ayaw mo sa kanya.."
"Yabang, ito na nga oh!"
Pareho silang nagtungo sa main kitchen. Pagbukas nila ng pinto mabangong amoy ang sumalubong sa kanila.
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
Storie d'amoreEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...