*~Avril~*
BINUKSAN ko ang bintana para makapasok ang hangin sa loob ng kwarto ni Jax. Nagkaroon na s'ya ng malay kaya naman umalis narin ang Athlete Bros. Nagpapasalamat talaga ako dumating sila. Baka pati ako walang malay ngayon..
Balik sa topic, sabi ni Luke (Lucas kung nakalimutan n'yo..) Sumabay lang talaga 'yung init ng panahon kaya s'ya nilagnat. Nanibago sa klima..
Tanging ilaw galing sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong kwarto.
Bumalik ako sa tabi n'ya na kasalukuyang balot na balot ng kumot..
Ipinatong ko ang aking kamay sa noo n'ya. Hindi parin bumababa ang lagnat n'ya buhat kanina..
"Babe?" Napatingin ako sa kanya..
"Mm?"
"Anong oras na?"
Naghanap ako ng orasan sa kwarto n'ya. Buti nalang nasisinagan din 'yun ng buwan. "Nine-thirty.."
He slowly nodded.. "Wala parin ba 'yung pizza?"
Oo nga 'yung pizza!
Geez, nakalimutan ko nang kumain..
Actually nakalimutan namin...
Napahawak ako sa noo.. "Wait lang.."
Gutom na gutom na siguro si Jax..
Hayyss...
Tumakbo ako palabas ng kwarto n'ya. Tumakbo ako pababa ng hagdan kahit masamang idea 'yun dahil madilim at wala akong makita..
Wala bang flashlight sa bahay na 'to?
Ugh! 'Yain na gutom na ang pasyente ko!
Naaamoy ko na ang pizza.. Alam kong nasa kusina na ako.
Follow the pizza aroma!
*sniff*
*sniff*
*sniff*
Amoy aso..
*sniff*
Pulbo ng aso..
"Arff!"
"Max? Is that you?"
No response..
E sino ba niloloko ko? Syempre di s'ya sasagot..
Bakit nandito s'ya?
Nako! Tinamaan ng lintekan ang lalaking iyon!
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomanceEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...