*~Jax~*
"WHAT'S that?!" natatarantang tanong ng mga kasama ko..
"Relax.." Ibinaba ko ang mga gamit namin ni Maxine. "My mother is playing with her guns again.."
"Wooah! Astig talaga ni tita," usal ni Keiton.
"Syempre, kanino pa ba ako magmamana," I chuckled..
"Yayabang ka nanaman, bye na! Bye, Maxy!"
"Bye!" she waved back..
Pagkaalis ng van, pumasok na kami sa loob ng bahay. Ibinaba ko ang mga gamit namin sa sala at dumiretso sa kusina.
Dahil malamang narinig ni mom na dumating kami ng bahay, biglang pumasok din siya galing sa likod.
"Jax, is that you?" she yelled..
"Yeah.."
She hugged me ang almost crushed my ribs. She faced Maxine and slowly turn to me with one raising eyebrow.
"My girlfriend." I pointed..
"What the--?! Two timer ka nanaman?"
Ramdam ko na nagulat at nailang si Maxine sa tanong na 'yun..
"Wala na kami ni Avril. S'ya na ang girlfriend ko."
"Paano si Zeph?"
Si Zeph, psh..
"'Wag mo s'yang alalahanin, masaya s'ya sa piling ni Avril.."
"Huh?"
"Sa kwarto po muna kami," I said at umakbay kay Maxine habang umaakyat ng hagdan..
"Huy! Nasisiraan ka na ba?" bulpng ng kasama ko..
"Anong gusto mong sabihin ko? Asawa?"
"Pwede bang maging seryoso ka naman kahit minsan!"
"Hindi ba ako mukhang seryoso?"
* * *
Ilang minuto lang kaming pahiga-higa sa kama. Ang tagal-tagal naman kasi nina Zeph.
*TOK*TOK*TOK*
Bumangon ako para buksan ang pinto at nakita ko si mom na kunot na kunot ang noo.
"Nandoon sa baba 'yung pinsan mo at si Avril," singhal niya..
"Sila paakyatin mo dito.."
"Alam mo bang nahihirapan pa ako mag-adjust sa nagaganap dito. Wala pang isang linggo, 'yung babaeng pinakilala mo saakin na girlfriend mo na mahal na mahal mo at proud ka na naging kayo ay napaltan mo na agad?!"
"Oh mother, iniistress mo ang sarili mo sa maliliit na bagay--"
"--pinaglalaruan mo nanaman ang mga babae, Jax!" she cut me off..
"Bakit, si Avril ba ang gusto mo? Babalikan ko s'ya, makikipaghiwalay ako kay Maxine.."
"What the--hell no! Stop this nonsense. Matuto ka naman makuntento sa isa!"
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomanceEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...