*~Joseph~*
"PAANO pala napunta sa tarpaulin ang picture natin?" Tanong n'ya..
"Nagkamali ng tingin si Keiton.."
Huminga s'ya ng malalim.. "Hayss.. Alam mo bang kinabahan ako 'nun.."
"Ako din naman.."
"Babe!" Sigaw ni Jax habang palapit saamin.. "Naiwan mo ang phone mo sa kotse."
"Thank you.." Sagot n'ya..
Humarap saakin si Jax.. "Kamusta 'yung surprise?"
"Nagkaproblema sa tarpaulin. Maling picture ang napagawa ni Keiton.."Tumango s'ya.
Napatingin ako sa gilid ng leeg n'ya. May sugat 'dun na wala naman kanina 'nung nasa maingate kami..
"Anong nangyari sa leeg mo?"
Agad n'yang tinakluban 'yun.. "Wala.. Nagasgasan lang kanina.." Sagot n'ya at tumango nalang ako..
Lumapit ako kina Maxine na kanina pa picture ng picture..
Hayystt.. Hindi ba sila napapagod 'dun..
"Joseph sali ka!" Tawag ni Maxine..
"Hindi na.."
"Okay, ikaw bahala.."
Matapos ng ilan pang click, natapos din sila..
Nahagip ng mata ni Maxine ang nakarolyong tarpaulin namin kanina.. "Ano 'yun? Tarpaulin?" Tanong n'ya habang nakaturo 'dun..Lalapit na sana s'ya para tingnan pero kinuha ito ni Keiton.. "Ah-wala.. Nagpagawa lang ako ng tarpaulin ng unicorn kanina.." Pagpapalusot n'ya..
Lumiwanag ang mga mata n'ya.. "Unicorn? Patingin!"
"H-Hindi pwede.." Mabilis na umiiling si Keiton habang sinasabi ang linyang 'yun.."Bakit naman?" She curiously asked..
"Kasi--" naubusan ng palusot si Keiton..
Tch.. Bakit kasi unicorn ang sinabi n'ya?
"Kasi ano?"
"Kasi putol-putol na ang katawan n'ya!" Dagdag ni Lex..
"Huh?"
"Kasi tinamaan s'ya ng lazer gun ng mga alien na sumakop ng unicorn land!" Dagdag ni Keiton..
"Kaya umiyak si Iron man.."
"Huh?"
"Kasi hindi n'ya naligtas ang unicorn!"
"Oo tama si Keiton.."Kumurap ng ilang beses si Maxine.. "Bakit kayo may ganyang tarpaulin sa birthday ko?"
"Hindi! Para 'to sa--kwarto ni Lucas.."
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomanceEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...