*~Avril~*
"RIRI! GISING naaaa!"
Napabalikwas ako sa sigaw ni Keiton.
Naaninag ko ang matingkad na kulay ng suot niyang long sleeves at sumbrero. Mukha siyang isa dwarf--
Napabangon ako..
Ngayon na nga pala 'yung birthday ng inaanak ni Maxine.
Napatingin ako sa parte ng higaan ng kahati ko sa kwarto.
"Si Alien?"
"Nasa labas na nakabihis. Ikaw nalang ang hinihintay," usal niya. "Ito na 'yung damit mo, dinala ko na.."
Sh*t..
"Liligo lang ako, susunod na ako sa baba,"
"Okie!"Pagkalabas ng kwarto ni Keiton, naligo agad ako at sinuot ang itim na hood. I'm not just cosplaying the evil queen with the crown, I'm the evil queen in disguise. Which means, I look awful.
It's only for a day..
For the kid..
"Bagay din pala sayo ang short hair.."
"Ang cute mo.."
"Kamukha mo nga si Snow White."
"Hihe, thank you.."
Rinig kong usapan sa baba.
Nakita kong pinapalibutan nilang lahat si Maxine at lahat sila ay nakapang-dwarf costume.
"Riri!" tawag ni Keiton 'nung nakita akong bumababa ng hagdan. "Nakalimutan kong ibigay sayo kanina.."
Inabot niya ang isang mahabang ilong na kasama sa costume ko.
Now, I look look really awful..
Sinuot ko 'yun at rinig kong pinigilan lang nila ang tawa nila kahit si Alien.
Ayos 'yan..
Pagtawanan n'yo ako..
---
Pagkarating namin sa party, nagsigawan ang mga bata..
"Look it's Snow White!"
"Happy!"
"Dopey!"
"Look how ugly the evil queen.."
=__=
Relax..
Bata lang..
'Wag patulan..
Umakyat lahat sila sa backstage para kantahan ang birthday girl mamaya..
Maliban saakin..
Kasi sinong bata ang gustong kantahan siya ng kamukha ko.
Tumayo muna ako sa tabi ng sound system habang hinihintay sila. Biglang napansin kong may ilang groupo ng mga bata ang lumalapit papunta saakin.
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomansaEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...