Chapter 71

467 15 2
                                    

*~Avril~*

BAKA mali lang narinig ko..

Masisiraan ako ng ulo, kanina ko pa iniisip kung anong nangyayari..

Marunong s'ya magluto?

Akala ko si Flynn lang ang marunong magluto sa kanila?

Speaking off, parang namimiss ko ang mami ni Flynn. Lalo na ngayong malamig at naulan..

Ha-ano? Naulan?

Sumilip ako sa bintana, hindi na halos makita ang dagat sa lakas ng ulan.

Ibig sabihin stranded na talaga kami ngayon?!

Waahhh!

T~T

Yoko na!

---

Biglang bumukas at pinto at naramdaman ko ang presensya ni Alien pero nanatili akong nakadapa sa at nakasubsob sa mga unan.

Hihintayin ko nalang mamatay ako sa suffocation..

"Oh.."

Narinig ko ang boses ni Alien, malamang may inaabot.

Wala akong balak gumalaw.

Mamamatay nalang ako na nakaganito..

"Kumain ka para makainom ka na ng gamot.." dagdag niya.

Napatingin ako sa kanya, inaabot n'ya saakin ang isang bowl ng mami. Amoy na amoy ko na agad ang mabangong amoy 'nun.

"Umayos ka nga ng upo.." utos nanaman niya. I rolled my eyes at sinunod ang pinapagawa niya. Inabot n'ya saakin dahan-dahan ang isang bowl na may kasamang chopsticks. "Mainit 'yan umuusok pa 'wag kang tatanga-tanga baka mabanlian ka.."

I glared at him..

"Kailangan mag mura?!"

"Concern lang," sagot n'ya na may nakakalokong ngiti. Halatang pinagti-tripan nanaman ako..

"Linuto mo talaga 'to?"

"Mm," sagot n'ya saka sumubo..

'Di ako naniniwala, bakit amoy at mukhang masarap?

"Instant 'to 'no?"

"Hindi.." matipid na sagot n'ya saka sumubo ulit..

"Hindi ako naniniwala na marunong ka magluto.."

"E ano sa tingin mo 'yang hawak mo at kinakain ko? Guni-guni mo lang?" pilosopong sagot niya.. "Kung kumakain ka nalang.."

=___=

"Baka may lason 'to.."

Naninigurado lang..

Snow White and the Seven Hotties (EDITING)Where stories live. Discover now