Chapter 39

596 29 0
                                    

*~Avril~*

   HALOS isang linggo na ang nakalipas matapos ang ambush. Hangang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang kailangan nila at bakit pinuntirya nila ang bahay nina Jax para pasukin.

   Pagtinatanong ko naman s'ya tungkol 'dun iniiba n'ya ang usapan.

   Wala pa namang paramdam ang mga gangsters na 'yun pero si Jax naging doble protective saaming lahat. Pag-may lalabas ng bahay sabi n'ya umuwi agad o kaya tawagan s'ya pag-may problema..

   Walo kaming iniintindi n'ya, siyam na pala isama mo si Maxine na palaging nandito. Palaging nakiki-sleepover sa kwarto ni Joseph..

   Baka sila na ulit..

   Hehe.. Aasarin ko nanaman si Joseph mamaya..

   Kasalukuyang nasa kotse ako ni Jax. Kasama natural s'ya.. Saka si Joseph, Maxine at Max sa likod.

   Sa kotse naman si Scott, kasama n'ya si Mike,    Flynn at Lucas..

   Sa kotse ni Lex ay si Keiton ang kasama n'ya.

   Papunta kami sa orphanage. Madalas daw silang bumibisita sa mga bata dun at naisipan nilang dumalaw dahil sa pangunguna ni Maxine..

   Malaki ang lugar at malawak ang lupain kaya ang lawak ng field na takbuhan ng mga bata. Nagpagulong-gulong sa damo si Max at nakipaglaro sa mga bata habang pumapasok kami sa loob.

   "Good afternoon, sister!" Masayang bati ni Kei Kei.

   "Buti napadaan kayo dito. Na-miss na kayo ng mga bata.."

   "Sister! Umorder kami ng pagkain. Parating na 'yun mamaya.." Usal ni Lex..

   "Si Lex pala iyon.. Lumalaki talaga kayong pagwapo ng pagwapo.." Biro ni sister at nag-pose lahat sila..  "At sino naman ang dalawang magagandang dalagang kasama n'yo.."

   "Si Maxine po 'yun.." Turo ni Flynn.. "Nakakasama na po namin s'ya dito madalas nung magjowa pa sila ni Joseph. Pero mukhang sila na ulit po.."

   "Ayiieee!" Biro namin at ng mga bata sa paligid. Bahagyang napatawa si Maxine habang namumula naman si Joseph..

   Bwahaha.. Yabang na yabang pag-ako ang kaharap! Ngayon wala ang hambog mo.. Bakit mo kasi iniwan sa bahay? Pagtitripan nanaman kita mamaya..

   'Wag kayong ano..

   Kasiyahan ko na asarin s'ya. 'Dun lang ako nakakaganti sa pangbabara n'ya saakin. Saka effective na pangpikon..

   "S'ya naman po ay si Avril. Jowa naman ng napakagwapong Jax na 'yun.." Pagpalakilala n'ya..

   "Ako naman si sister.. 'Wag mo na alamin ang pangalan ko. Baka matawa ka lang.."

   v( ̄∇ ̄)v

   Nagpakilala pa s'ya.. 'Di din pala sasabihin ang pangalan n'ya..

   Nginitian ko nalang s'ya bilang ganti.

   Binigyan n'ya kami ng tig-iisang folder.

Snow White and the Seven Hotties (EDITING)Where stories live. Discover now