*~Avril~*
HINDI naman e!
Taas ng confidence niya..
Bahala nga s'ya..
Tumakbo ako papuntang elevator. Pagpasok ko nakita ko si Scott, na nakatingin din saakin.
"Bakit ka tumatakbo?"
Napakunot ako ng noo, "W-Wala.."
"Akala ko nakita mo 'yung white lady daw na pagala-gala sa floor na 'to.."
Nanlaki ang mga mata ko, "Ano?!""I was just joking," he laughed. "You should see the look on your face."
"Ewan ko sayo," I punch him on his arm. Pero parang wala lang sa kanya 'yun.
"Kamusta kayo?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Kami?"
"..ni Jax," dagdag niya.
"'Wag muna nating pag-usapan."
"Samahan mo nalang ako sa labas. Kailangan ko ng adrenaline rush sa katawan. Nakaka-inip mag-stay dito sa island.."
"Anong bang gagawin mo?" tanong ko..
"Cliff Diving.. Or should I say Cliff DIEving.."
Biglang bumukas ang pinto ng elevator.
"Luh, no thanks. Dito nalang ako sa elevator."
"'Yung white lady mamaya katabi mo na," usal niya sabay takbo palayo at iniwan ako.
"Ala! Hindi nakakatuwa, Scott!" Mabilis akong sumunod ako sa kanya.
Naghabulan lang kami hangang narating ba pala namin ang bangin. Sobrang hangin dito sa taas, at napakagandang tanawin. Saktong malapit na sumikat ang araw..
"Mababaw lang pala 'to," he commented habang sinisilip ang baba.Sumilip din ako at halos mag-collapse na ako sa lula. Sobrang taas ng bangin na'to. "Anong mababaw? Ikamamatay ko pagnalaglag ako d'yan.."
"Tch, ang babaw nga nito," mayabang na sagot niya saka hinubad ang t-shirt n'ya.
"Wait lang, s-seryoso kang tatalunin mo 'yan?" Nag-aalalang tanong ko.
"Oo nga.."
"Hoy, baka mapaano ka! Hindi kita kayang iligtas kapag nalunod o nauntog ka sa batuhan!" pagpigil ko sa kanya.
"'Wag kang makulit baka ikaw ang malaglag--!"
"Aaaahh!" bigla akong nadulas sa kinakatayuan ko at muntik na malaglag. Pero hawak parin ni Scott ang kamay ko.
"Hold still!"
Ginawa ko ang sinabi n'ya. Mabilis ang tibok ng puso ko. Nangangatal na ako at nalulula pagtumitingin ako sa baba.
Mabilis naman niya ako naiangat. Pareho kaming naghabol ng hininga.
Naalala ko na pangalawang beses ko na 'to na malaglag sa bangin. 'Nung first monthsary namin ni Jax, nalagay na din sa alanganin ang buhay ko.
YOU ARE READING
Snow White and the Seven Hotties (EDITING)
RomanceEDITING LUCAS "I can be your fictional character in our own world.." JAX "Let the bad boy treat you better, and let the worst guy treat you the best.." KEITON "I'll make your smile last forever to show my love for eternity.." NEIL "I like seeing you...