Chapter 48

515 25 4
                                    

*~Avril~*

   "ANONG gagawin natin sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Lex..

   "Patahanin natin.." Sagot ni Flynn..

   Tumingin lahat sila saakin.

   Umupo sa harap ko si Flynn.. "Villy.. 'Wag ka nang umiyak.. You know nakakapangit 'yan.. Gusto mo bang maging ugly?"

   Tinitigan ko s'ya.. "Madalas ka bang umiiyak?"

   "Bakit mo naitanong?"

   "Ang pangit mo.."

   Humagalpak ng tawa sina Lex at Keiton..

   "Pangit ka daw! Payag ka 'nun?"

   "Oo nga Flynn.. Haha"

   Tiningnan ako ng masama ni Flynn..

   "Hihihi.." I giggled..

   "Hindi ako pangit!"

   "Pangit! Pangit!"

   Pumikit s'ya at huminga ng malalim.. "Villy, hindi ako pangit.."

   "Weh? Pangit ka kaya!"

   He frowned. "Baka ikaw ang pangit!"

   "Ikaw kaya! Idadamay ko pa ako!"

   "Ikaw!"
 
   "Ikaw!"

   "Huy tama na!" Saway saamin ni Lex.. "Talagang pinatulan mo pa s'ya, Flynn.."

   "E sinabihan ako ng pangit e!"

   "Sinasabi lang n'ya ang nakikita n'ya.." Singit ni Keiton..

   "Titirisin kita!"

   "Ano tingin mo saakin kuto? Ang gwapo ko naman.."

   "Sinasabi ko lang ang nakikita ko.." Paguulit n'ya sa sinabi ni Keiton kanina..

   "Porket matangkad ka!"

   "Sshhh! Pagpahingahin muna natin si Avrie bago kayo magsabunutan at sampalan.." Saway ni Lex sa dalawa..

    "Yuck.. Lalaki kaya ako.. Uupakan ko 'yan hangang makatulog.." Hindi pagsang-ayon ni Flynn..

   Keiton chuckled.. "Si Flynn? Lalaki? Bago 'yun a!"

   "Tama na sabi!" Awat ni Lex.. "Tulungan n'yo akong buhatin si Avie sa kwarto nila.."

   Tulong-tulong nila akong inangat sa sahig at dinala sa kama ng kwarto ni Jax..

   "Tulog ka na.." Sabi ni Lex.. Kinumutan nila ako hangang leeg..

Snow White and the Seven Hotties (EDITING)Where stories live. Discover now