Chapter 53: Our Counterplay Love

133 11 23
                                    



T A I R I S H
M A M A R I E

Class dismiss.

Napahikab nalang ako matapos ng klase namin ngayong araw.

Matapos ng magulong sembreak namin, balik na sa normal ang lahat. Pero hindi parin nagpapansinan si Kurt at Clark, at wala parin kaming ka-alam alam kung anong problema nilang dalawa.

Maging si Mikael at Tyler walang idea sa mga ka-banda nila.

"Tairish, mauna na ako at may dadaanan pa akong impakto." Paalam sa'kin ni Gwen.

"Impakto?" Kunot-noo kong tanong.

"Na-kwento ko na sa'yo kung bakit ginagawa sa'kin 'to ni Kent." Sabi pa n'ya.

Oo nga pala, nalaman daw ni Kent ang sikreto n'ya kaya inuutus utusan s'ya ngayon ni Kent.

Loko talaga 'yon.

"Babye~~ gisingin mo na 'yang isa." Inaantok n'yang paalam at tinuro si Kurt na nakatulog na nga sa last subject.

Mukhang hindi ko rin s'ya napansin na nakatulog dahil isa rin akong inaantok.

Tumango-tango ako kay Gwen.

"Sige, mag-iingat ka."

Napatingin naman ako sa katabi kong upuan.

Tahimik din si Ryoken kanina at hindi na sya bumalik matapos ng lunch.

I sighed.

Mukhang may kanya-kanya kaming problema ngayon dahil hindi ko rin ma-contact si Ella matapos nilang mauna ni Tyler sa pag-uwi galing resort.

Nung tinanong ko naman si Tyler, isang malungkot na ngiti lang ang isinagot n'ya kanina na hindi ko naintindihan.

Nag-away ba ang dalawang 'yon?

Umupo ako at tinignan muna ang natutulog na si Kurt.

Buti hindi s'ya napansin ng teacher kanina.

O, talagang hindi lang s'ya ginising?

"Ang gwapo mo.." bulong ko na kusang lumabas sa bibig ko dahil sa perpekto n'yang mukha.

"Thanks.."

Halos mahulog naman ako sa kinauupuan ko nang magsalita s'ya habang nakapikit. Take note, nakangisi pa.

Aba't!---

Pinitik ko ang noo n'ya.

"Yah! Gising ka pala d'yan, Uuwi na ako." Paalam ko at nauna ng lumabas.

Napangiti nalang ako nang maramdaman ko na may humawak sa kamay ko.

"Bakit mo ako iniwan?" Inaantok n'ya pang tanong.

Hindi nalang ako sumagot at hinigpitan nalang din ang hawak sa kamay n'ya.

Patagal ng patagal hindi narin ako nagiging sentro ng atensyon dito sa Castillones Academy dahil sa pagiging girlfriend ng isang Kurt Ruzzle Javier.

Mukhang nasasanay narin silang makita kami.

°°°°°

C Y R A
J A D E

Tahimik akong naglalakad pauwi.

Natanong ko kanina kay Rafaella, kahit medyo awkward, kung nasaan si Tyler pero hindi rin daw n'ya alam at halatang iwas na iwas s'ya sa tanong ko.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon