💫 Prologue 💫

22.1K 768 64
                                    


PAASA. If you were to ask me kung ano o sino ang pinakamalaking paasa sa mundo, fairytales ang isasagot ko. They made us believe in love, prince charmings and happily ever after. Yes, siguro nga totoo ang mga ito, pero hindi 'to kasing ganda ng mga nakikita natin sa fairytales.

It's far from being perfect. Hindi ito 'yong tipong the moment you lay your eyes on someone, may mararamdaman kang spark, and voila s'ya na ang soulmate mo. Nope, love and life doesn't work like that.

Most of us have stumbled upon the wrong person and got their hearts shattered multiple times before they found the right one. 'Yong iba naman, nag-settle na lang sa maling tao kahit masakit, because the idea of being alone scared them to death. While there are some people na mas piniling maging single and let fate work its way. Inaasa na lang sa universe ang lahat, kumbaga. Kung may darating, okay. Kung wala naman, okay pa rin. Wala namang masama 'dun. Kanya-kanya naman kasi tayo ng trip sa buhay.

Fairytales failed to show us the harsh realities of life. Understandable naman kahit papa'no. We were too young then to understand the complexities of love and life in general.

Walang prince charming. Kung 'meron man, hindi s'ya kasing perfect ng mga napapanood natin sa fairytales. Hindi s'ya nakasakay sa kabayo at hindi s'ya makikipaglaban sa evil monsters para lang makasama tayo.

Some were lucky enough to find a person who loved them truly and intensely, pero hindi perfect ang taong ito. May mga sarili rin itong mistakes and imperfections kagaya ng normal na tao.

Kapag ba nahanap mo na ang prince charming mo, is it safe to say na na-achieve mo na ang happily ever after na hinihiling ng bilyun-bilyong tao sa mundo? 'Pag nag-I love you na ba kayo at nag-kiss, happy ending na?

Sorry to disappoint you, but the answer is no. May darating at darating na mga pagsubok that will test your love for each other. The question is: how strong is your love for each other? Is it strong enough to withstand the storms? Can you really make it until the end?

Ang bitter ba? Nope, realistic lang. And no, contrary to what you might think, I believe in love. I want to love and be loved in return. I want to have my own prince charming and enjoy a happy ending story. But as I grew up, I began to question the definition of prince charmings and happy endings. I even questioned fairytales multiple times.

For example, 'yong kwento ni Cinderella. She was arguably one of the most famous Disney princesses and her story made a lot of us believe in the existence of true love. But can a Cinderella-type of lovestory really happen in real life?

Kung hindi dumating ang fairygod mother, forever bokya na lang ba ang lovelife ni Cinderella?

Kung hindi s'ya tuluyang naka-attend sa ball, magkikita pa kaya sila ni Prince Charming sa ibang pagkakataon?

Pa'no kung may ibang babae ang nakakuha ng attention ni Prince Charming sa ball? Nganga forever na lang ba si Cinderella?

What if um-attend si Cinderella sa ball na gutay-gutay ang damit at walang fairygod mother na nag-transform sa kanya into a glamorous woman, will Prince Charming even give her a glance?

"Who are you?"

His voice gave me chills. Kitang-kita ko ang mga mata n'ya sa likod ng suot n'yang maskara. He was staring at me intently. His eyes was filled with admiration and... love?

Imposible! Nagha-hallucinate lang ako! He can't be in love with me. That's the biggest joke ever!

"Someone who's been in love with you for the longest time," mahina kong sagot ngunit sapat para marinig n'ya.

Unti-unti n'yang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Napalunok ako sa sarili kong laway at hinawakan ang dibdib kong pumipintig nang napakalakas.

Is he going to kiss me? Ito na ba 'yong butterflies in your stomach? Shit, shit, shit! I need to calm down.

Hindi ako pwedeng magpadala sa kaba. I've been waiting for this moment to happen since forever. I can't mess this up. Kailangang maging memorable experience ito. Hindi 'to pwedeng masira.

Naramdaman ko ang kamay n'ya sa likod ng ulo ko. It took me a short while before it dawned on me that he was trying to unmask me. Damn. I panicked. Dumoble ang pintig ng puso ko dahil sa kaba. Hindi pwede! Hindi niya pwedeng tanggalin ang maskara ko. Hindi niya pwedeng malaman kung sino ako. So, with all the strength that I had, I pushed him away.

"What's wrong?" nagtataka n'yang tanong.

"I-I'm... I'm sorry."

Mabilis akong tumakbo habang hawak ang laylayan ng ballgown ko upang masigurong hindi ako madadapa. Narinig ko s'yang tinatawag ako pero hindi ako nakinig. Kung hinabol man n'ya ako, wala na akong pakialam. I just wanted to be away from him.

"Hey! Wait!" he shouted pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. "You left your shoe!"

What?!

Seriously?! Ano 'to, parody ng Cinderella?

Hindi ako nakinig sa kanya at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.

Maybe we were never meant to be together. Maybe that night only happened because life wanted to give me a temporary moment of bliss na baka hindi ko na pwedeng ma-experience sa susunod.

Unlike Cinderella, walang fairygod mother na nagsabi sa'kin na babalik ang totoong hitsura ko pagdating ng 12 midnight. Heck, I was even allowed to sleep with him until the morning comes. Pero hindi pwede eh. If he knew who I really was, he wouldn't want to dance with me again. He wouldn't want to kiss me. Kaya mas mabuti na ang gano'n. Iyong wala s'yang alam at isa lang akong mysterious masked girl para sa kanya.

He wouldn't want to know the truth.

He wouldn't want to know that the   Cinderella he danced with... was gay.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon