💫 XIX 💫

10.5K 499 88
                                    

Chapter Nineteen:
True Colors

***

THEN
August 2008

AS EXPECTED, hindi ako nag-enjoy sa party. Hindi ako makapag-fit in sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit nagpapilit ako kay Phil na pumunta rito. This is not my world. Hindi ako maka-relate sa mga rich and priviliged people na pumapaligid sa akin ngayon. Sa lahat naman ng mayaman, kay Phil lang ako komportable. He never made me feel like he's rich and I'm not. Our social status was never a hindrance or an issue para sa pagkakaibigan namin. He doesn't make me feel like I just fit in his world para maging magkaibigan kami. Gusto nyang komportable ako. And, yes, I'm comfortable when I'm with him. He's my comfort zone.

Unfortunately, kahit magkasama kami ngayon, masasabi kong wala ako sa comfort zone ko. Kanina pa kasi syang nasa tabi ni Andrea. She introduced him to her parents na gustung-gusto si Phil na para bang magpapakasal na sila. Ayu'n tuloy, hindi ko na naman mapigilang magselos.

"Hindi naman sila bagay ng anak nyo. Demonyita si Andrea at hindi sila bagay ng bestfriend ko," pabulong kong comment tsaka uminom ng lemonade.

Nakaupo ako sa isang sulok, malayo sa maraming tao. Nasa malawak na sala ng mansyon nina Andrea ginanap ang party at sobrang daming bisita na puros mga mayayaman. Hindi ako maka-relate. Wala rin naman akong planong ipagsiksikan ang sarili ko kaya lumayo na lang ako.

"Why are you alone?" Nakatayo si Kyle sa harap ko. He looked gorgeous in a suit.

"Wala lang."

"Mukhang bored ka sa party, ah."

"You have no idea," I rolled my eyes. "I mean, I know it's your parent's wedding anniversary, pero bored lang ako dahil hindi ako maka-relate. That's just it, Okay? No offense meant."

"None taken." Mukhang hindi naman s'ya na-offend because he still smiled at me. "Halika." He offered me his right hand.

"Saan?"

"Basta."

Tumingin ako sa direksyon ni Phil. Kasalukuyan s'yang nakikipag-usap sa isang grupo ng mga babae. His hand was on her waist. After meeting her parents, friends naman ngayon. Great. Mukhang seryosohan na nga 'to.

Since wala rin naman akong ginagawa at feeling ko naman hindi pa ako hahanapin ni Phil (dahil busy s'yang magpaka-gentleman kay Andrea) naisipan kong sumama kay Kyle. Hindi ko tinanggap ang kamay n'ya pero tumayo ako. He simply grinned.

"Lead the way, sir. "

"Follow me," he grinned again at naunang lumakad. Sumunod naman ako agad.

Nadaanan namin ang maraming bisita na busy sa pakikipag-plastikan, este, pakikipag-usap. Honestly, feeling ko talaga most of them were just there to brag about their wealth. Nando'n sila para ipagmalaki ang mga big events na dinaluhan nila, mga bansang pinagbakasyunan, mga well-known personalities na nakilala at mga properties and branded items na nabili. They're smiling and laughing at each other, pero hindi mo alam kung sino talaga ang nagpapakatotoo.

"This is really not your thing pala talaga," sabi ni Kyle habang naglalakad kami.

"Ang alin?"

"Ito."

"Huh?"

"Parties. Social gatherings. Rich people, you know..."

"This is definitely not my thing."

"Hindi ka na pala dapat pinilit ni Phil na pumunta dito."

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon