💫 XVI 💫

10.8K 496 87
                                    

Chapter Sixteen:
Threatened and Jealous

***

THEN
July 2008

TIME CHECK: 10:00 PM

I still have an 8 AM class the following day pero hindi pa rin ako makatulog. Nakaupo ako sa labas ng bahay habang nakatanaw sa gate. Hindi pa rin umuuwi si Phil mula sa date nila ni Andrea. What took him so long? Kaninang 7 PM pa sila nag-dinner pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya umuuwi?

Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Nag-hotel ba sila? Habang para akong tanga na naghihintay dito sa labas, sila naman ay masayang naglalampungan sa loob ng isang madilim na kwarto?

"No, no!" Sinampal-sampal ko ang sarili ko. "Ano ka ba, Yohan. 'Wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano."

Nakita kong binuksan ng guard ang gate at pumasok naman ang kotse ni Phil. Nabuhayan ako ng loob at mabilis na tumayo. Kaagad akong tumakbo papunta sa garage para kausapin s'ya. Sakto namang nakababa na s'ya nang lumapit ako.

"Yohan? Ba't gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog, eh. Naglakad-lakad na lang muna ako para magpaantok. Sakto namang nakita kitang dumating," I lied. Syempre, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo.

"Is that so? Maaga pa ang pasok natin bukas. Matulog ka na."

Mabuti nama't alam mong maaga ang pasok bukas. Kung gano'n, bakit ka nagpa-gabi ng masyado? pagsusungit ng isang bahagi ng isip ko.

"Kumusta ang date?" casual kong tanong. Ayokong makahalata s'ya na curious ako.

"Great." There was a smile on his face na hindi ko madalas na makita sa kanya. I felt an intense amount of jealousy. The fact that Andrea made him very happy was enough to make me envy her.

"Great? As in..."

"She's an amazing girl. Bukod sa maganda, mabait pa at may sense kausap. She's very intelligent and witty."

"Wala namang perfect girl," hindi ko naiwasang magtunog bitter. Sana lang hindi n'ya nahatala.

"Yes, wala ngang perfect. But she's so close to perfection, you know."

"So, kayo na?" diretso kong tanong. Bahala na kung masaktan man ako sa magiging sagot n'ya. Basta't gusto ko lang malaman ang totoo.

"No."

Shit! Hindi sila! Happy fiesta!!!

"No? Hindi mo s'ya girlfriend at hindi ka n'ya boyfriend?"

"Not yet."

Para akong nakarinig ng mga nabasag na plato. Feeling ko may nahulog na hollowblocks sa ulo ko. 'Saklap.

"Not yet?"

"We'll take things slowly. Liligawan ko muna s'ya and we'll get to know each other bago maging kami."

Ibang-iba ang Phil na naririnig ko ngayon sa Phil na nakilala ko. Hindi ito ang approach n'ya sa relationships. Walang ligaw-ligaw para sa kanya. Sex na kaagad. He was into sensual relationships at ayaw n'ya sa commitment. Wala s'yang pakialam kahit hindi pa n'ya gaanong kilala ang isang babae, as long as compatible sila in bed. Sex was the most important part in a romantic relationship for him. Ano'ng nangyari't bigla s'yang nag-iba ngayon?

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon